Please leave a message as you download/copy stories/poems para naman mainspire akong gumawa pa ng another story/poem... Sana mag-iwan ka ng message. Para naman kahit papano malaman ko kung sino ang nag-visit sa website ko.
Salamat! |
"Diary of a Greenhorn Writer" [One Shot] Isinulat ni: EvenHeartlessDevilCry
WebSite: www.ehdc.yolasite.com
sorry sa kung ano man ang pagkakamaling nagawa ko sa story.
-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-
Isa akong writer should I say baguhang writer, lahat ng mga bagay na gusto kong mangyari sakin in real life sinusulat ko na lang para kahit man lang sa isang istorya may katuparan ang mga pangarap ko.
Ang isang baguhang writer na kagaya ko syempre nakakaexperience ng difficulty in terms of writing, madaming pumapasok sa utak ko na magagandang events and twist pero kapag nagsusulat na ako nahihirapan na akong pagdugtong-dugtongin yung mga pangyayari para makabuo ng isang magandang story, at dahil din sa isa akong baguhang writer kay walang naniniwala sa kakayahan ko pero ayos lang, nagsusulat naman ako hindi para i-please yung mga taong yun, gusto ko lang naman mga-share ng experiences and some lessons that i've learned in life, madaming nagbibigay ng negative comments at magda-down sa'yo, pero di ba? naniniwala ako na kung kelan madaming nagda-down sayo dun din yung time na dapat tayong maging matapang. I accept na panget ang stories na nagagawa ko- pero anong magagawa nila yun lang ang kaya ko.
"Hoy! Saskia! tulala ka na naman diyan!" sigaw nung isa kong classmate, nasa school pala ako ngayon nag-iisip ng bagong story na masusulat ko... iniisip ko kung ano bang magandang ending.
"Wala may iniisip lang ako." I answered.
"Saskia kung gagawa ka ng story isama mo ako sa character ha'" sabi ng isa kong kaibigan.
Ganyan sila sakin, lahat ng kaibigan ko gusto nila parati silang naextra sa story pero in times of laitan na, sila pa yung nauuna mas mabuti pa nga yung ibang taong hindi ako kilalam na-aapreciate ang story ko, pagminsan kasi nag-a-upload din ako ng story sa wattpad, ano ba yan ang drama-drama ko naman , best in emote...
"Sige isasabay na lang kita sa mga characters." I mumbled then bigla na lang akong tumingin sa labas.
I was so shock to see my crush na nasa labas, naglalaro sa gym... yah' I have a crush kaso lang hanggang dun lang yun, ayoko ng umasa ano, tama na yung tinitingnan ko lang siya sa labas kaya nga parating nakazoom-in ang mga mata ko...-- sa paraang yun nagiging masaya na ako, siya na rin yung inspiration ko kung bakit ako nakakapagsulat ng mga love stories.
"May exam tayo ngayon sa math-- nakapagreview ka na ba?" one of my classmates asked me.
I hate math and math hates me kaya mutual lang kami.
"Hindi pa nga eh'..." I answered.
Hay naku ano bang magandang gawin?? ang gumawa ng kodigo ni hammurabi? formula lang naman eh'.
*examination time*
Ang room namin ay parang room doon sa Mafia Prince's Labyrinth of Love written by EHDC, madami na naman kasing naka owl and giraffe mode haha...
"Saskia gandahan mo naman ang sulat mo hindi ko maintindihan eh'" sabi ni Dave, gumagaya kasi siya sa answers ko.
"Huwag lang puro gaya, minsan compute-compute din." I replied-- napakamean ko, kasi naman gumagaya na lang siya, nanlalait pa ng penmanship.
After several minutes pinapass na yung answer sheets namin, tapos lumabas kami ng mga friends ko to unwind kaistress kasi yung test.
Pumunta rin kami sa canteen para bumili, nagugutom na rin naman kasi kami.
Nang papalabas na ako ng canteen.
"Arrraaayy!" biglang sabi ko dahil hindi ko namalayan yung tumatakbo papasok ng canteen, ayan tuloy natumba ako.
"So-sorry... Sa-saskia... hindi ko sinasadya." sabi nung nakabangga sakin at iniaabot ang kanyang kamay para tulungan akong makatayo.
Nang lumingon ako dun sa nakabangga sakin laking gulat ko na si crush pala yun.
"AYYEEEEIIII" sabay-sabay na sabi ng mga friendsko alam kasi nilang crush ko yung lalaking nakabangga ko.
Bakit ba mas nauuna pang kiligin ang mga kaibigan natin kesa satin kapag malapit tayo sa ating crush di ba dapat ako muna ang maunang kiligin? ako yung nagkacrush eh' hindi sila...
Hindi na lang ako humawak sa kamay na iniabot niya, tumayo na lang akong mag-isa.
"Ayos lang ako..." dahan-dahang sabi ko. tsss mukhang ang lakas ng pintig ng puso ko parang may mga batong nag-uumpugan.
"Sorry ulit ha'" he replied.
Pagkatapos niyang sabihin yun agad na rin naman kaming umalis ng mga kaibigan ko...
Habang naglalakad...
"Hay naku Saskia pa-demure pa!" sabi nung isa kung friend na bading.
"Alam mo hindi na uso ngayon ang Maria Clara peg." sabi nung isa ko pang friend.
"Nakakahiya eh'." I answered.
"Wow, nahihiya ka pa talaga sa lagay na yan?" sabi ulit ng bading kong friend.
"Huwag mo ngang igaya sa'yo si Saskia, hindi siya kapal muks gaya mo!" sabat ni Claire.
"Hindi naman makapal ang face ko, makapal lang yung foundation."
"Ang kapal-kapal kaya ng face mo, kasing kapal ng pinagsama-samang volumes ng encyclopedia-- kapag may gwapong men agad kang sumusugod na parang may gyera." sagot ni Claire.
"Sana nga gawin ng herbal medicine ang makahiya para may gamot na sa mga taong makakapal ang mukha." sabat naman ni Ronafe.
Then hindi na sumagot yung bading kong friend, pinagtulungan na kasi siya.
"Pero maiba lang ako ha' bakit nga ba Saskia hindi mo hinawakan yung kamay ng crush mo? pagkakataon na yun noh'." Jhona Lou said.
Kasi naman bakit ganito, pagwala sa paningin ko yung crush ko parati ko siyang hinahanap-hanap tapos pag-andiyan siya sa harapan ko, hindi na ako nagkakaroon ng lakas ng loob para titigan siya -- umaabot pa sa time na kahit isang word hindi na ako makapagsalita, siguro lahat naman tayo ganun no' maliban na lang kung abnormal ako.
"Ewan ko, hindi ko lang talaga kayang humawak sa kamay niya.." I answered.
"Oh siya, sya, tama na nga niyan meron pa tayong next subject pasok na tayo sa classroom." sabat ni Ronafe.
Sa classroom, bigla kong naisip yung sinabi ni crush... sabi niya "Sorry Saskia" it means kilala niya ako??.. hmmm..
Pagkatapos ng klase namin agad akong pumunta sa internet shop para mag-upload ng new story sa wattpad.
Tiningnan ko kung ilan nang reads yung story na ginawa ko, masaya ako at nadadagdagan din naman.
*POV ng Crush ni Saskia*
Araw-araw parati akong nasa gym para kung sakaling lumabas yung crush ko agad ko siyang makikita, pero hindi eh' hindi naman siya parating lumalabas, siguro masyado siyang dedicated sa pag-aaral niya.
Nung nalaman kong nasa canteen siya agad akong tumabo papunta doon pero nabangga ko tuloy siya, iniabot ko yung kamay ko para tulungan siya kahit medyo nahihiya ako, pero hindi niya hinawakan yung kamay ko bagkus tumayo na lang siyang mag-isa, mukhang nagalit siya sakin... :'(
Pag-uwian parati akong pumupunta sa internet shop para basahin yung story na sinusulat niya, ang ganda kasi eh' natatamaan ng story na ginagawa niya, tungkol kasi yun sa isang taong hindi masabi-sabi yung feelings niya sa taong mahal niya, maganda ang story kasi parang nangyayari talaga sa totoong buhay.-- sa paraan kang kasing 'to kahit papano nalalaman ko yung mga bagay na pumapasok sa isipan niya.
Isa siyang journalist sa school namin, ako? isa lang namang simpleng estudyante hindi masyadong kilala... hanggang kelan kaya ako magiging ganito? yung parati siyang iniisip kahit nasa loob ako nang classroom.
Hindi ko alam kong darating pa yung oras na masasabi ko yung feelings ko sa kanya. Sana bago kami gumraduate masabi ko ang nararamdaman ko, sana abutan ako ng lakas ng loob na matanggap kung ano man ang isasagot niya sa nararamdaman ko.
Parati kong iniisip na sana mahalin niya rin ako, na sana kahit papano mapansin niya rin ako.
Mahal ko si Saskia.
Mahal na mahal ko siya. --xx-xxx-xxx-xxx--
[Isang MENSAHE mula kay Author]
Ito lang po ang gusto kong sabihin sa'yo na kapag may crush ka sabihin mo agad sakanya huwag ng magpatumpik-tumpik pa karakara-ka, malay mo kasi di ba? may gusto din siya sa'yo- pareho lang kayong nag-aantayan sa bawat isa- sige forever kayo niyang nganga!
Huwag lang puro imagine, tanong-tanong din, sabi nga nila hindi na uso ang maria clara peg. Hindi ko naman sinasabi na lumandi ka, what i want to say is that set your feelings free, don't put your feelings in the jail inside your heart, don't be afraid of neglection because kung ayaw niya sa'yo at least nalaman mo agad, hindi ka na umasa sa wala, tapos di ba kapag nalaman mo ding gusto ka niya eh di masaya malarafunzel ang haba ng hair.
Basta pag naging kayo ng crush mo sabihan mo ako at agad tayong magpapamisa sa VATICAN CITY!! :) (hahaha nababaliw na naman ako.)
[END]
>*EHDC*< 5/4/13
|