![]() Please leave a message as you download/copy stories/poems para naman mainspire akong gumawa pa ng another story/poem... Sana mag-iwan ka ng message. Para naman kahit papano malaman ko kung sino ang nag-visit sa website ko.
Salamat!
| Gangster's Angel
written by: EvenHeartlessDevilCry webiste: www.ehdc.yolasite.com Sorry sa mga wrong grammar ko... xx-xx-xx-xx-xx-xx-xx- Magkasama kami ngayon ni Xryszian-- ng boyfriend ko sa isang mall having our date... masaya akong naging boyfriend ko siya dahil mahal niya ako at mahal na mahal ko rin siya, maraming nililink sakin pero hindi naman ako kagaya ng iba na itinutuloy na lang na makipag-in a relationship sa mga taong inililink sa kanila, yung tipong binibiro lang kayo ng mga classmates niyo tapos itinuloy na lang... Nakakaboring kasi kapag yung boyfriend mo ay hindi mo naman gusto-- na siya lang ang may gusto sa'yo, para kasing walang foundation yung relationship pag-ganun. "Sophia, ponkan ka ba?" Zian asked. "Huh? Bakit?" "Sun"KISS" nga diyan." sagot niya. Napangiti na lang ako sakakornihan ng sinabi niya, pero hinalikan ko pa rin naman siya. "Korny mo bumalik na lang tayo sa campus, may klase na tayo oh." I said. "I love you Sophia!" Zian said. "I love you too." I replied. Tapos ngumiti na lang siya. It was wash day, kaya ang mga student sa campus namin pabongganhan ng damit para ngang may party eh'. Bumalik na kami ni Zian sa campus at nag-attend ng classes namin, freetime namin kaya nakapagdate pa kami. After the class (its already 7:30pm) inihatid na ako ni Zian pauwi sa bahay namin. Kinabukasan nag-antay ako sa room, inaantay kung dumating si Zian dahil hindi nakukumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakita, our daily routine was to meet each other... Pero hindi siya dumating-- umuwi ako sa bahay ng mag-isa nung araw na yun, absent siguro siya, bakit kaya? *achhooo!* may biglang nag text. SMS from Niel: "alam mo na bang nahospital si xryszian?.. my reply: "huh? bakit anong nangyari?" SMS from Niel: "Hindi ko alam, basta nabalitaan ko lang nasa hospital siya kaninang umaga, hindi ko lang alam kung nakauwi na siya." my reply: "Sige, salamat sa info." Kanina ko pa tinry na tawagan yung phone niya pero hindi ito nag-ri-ring kaya pumunta ako sa bahay nila Xryszian para alamin kung nakauwi na ba siya o hindi pa. Kumatok ako sa pinto ng bahay nila. "Good evening po, nandito po si Xryszian?" tanong ko sa katulong nila, siya kasi yung nagbukas ng pinto. "Nandito po siya." sagot nung katulong tapos tumingin ulit siya sa loob ng bahay. "Natutulog na daw po pala si sir." dagdag pa nung katulong. Siguro medyo may masakit pa sa kanya o baka masyado na siyang pagod kaya nakatulog siya agad. "Pakisabi na lang po na napadaan ako, thanks po." I mumbled. Agad na rin naman akong umuwi pagkasabi ko nun. Kinabukasan nakita ko si Xryszian kasama yung mga addict, yung mga gangsters na nagsisigarilyo, sinabi ko naman sa kanya na yun ang pinakaayaw ko sa lahat-- ang maging bad boy siya--ang maging gangster siya.. Lumapit ako sa kanya. "Zian ano bang ginagawa mo, gusto mo bang sirain ang buhay mo?" sabi ko sa kanya at kinuha ko at inapakan yung sigarilyong hawak niya. "Ano ba umalis ka na nga!!" pasigaw na sagot ni Zian... nagulat ako sa mga sinabi niya--- pinapaalis niya ako, ngayon lang siya sakin nagalit ng ganito. "Bakit mo ako pinapaalis? ginagawa ko lang naman kung ano ang makabubuti sa'yo dahil mahal kita." I answered while staring at his glaring eyes. "Pwes ako hindi na kita mahal kaya, umalis ka na pabayaan mo na ako sa mga bagay na gusto ko!"he shouted na parang sobrang galit na galit. Siguro dahil nasasakal na siya sa mga bagay na ipinapagawa ko sa kanya, pero it was for his own good. Nag-start na silang maglakad papalayo sakin pero sumunod pa rin ako sa kanila. "Pwede ba huwag kang sumunod, bumalik ka na nga sa classroom niyo!" he yelled. "Ayoko gusto ko magkasama tayo pabalik sa campus." I answered. "Bahala ka nga!" Tapos bigla silang tumakbo but even if they ran so fast sinubukan kong habulin sila, malayo na yung distansya nila sakin pero nakita ko pa rin silang pumasok sa isang abandoned building. Pumunta ako dun sa building kung saan sila pumasok at nakita kong madaming lalaki ang nasa loob ng gusali, sumilip ako sa isang sirang bintana, nakapila yung mga lalaki at lahat sila nakapiring kasama na dun si zian, merong isang lalaking may dalang pamalo. Bakit si Zian sumasali sa frat? Ito ba yung bagay na gusto niya at makakapagpaligaya sa kanya? Hindi ako gumawa ng kahit ano mang ingay , ayoko ng pigilan siya kasi ito siguro yung gusto niya talagang gawin simula pa nung una... nakakalito masyado ang pag-ibig noh? sabi nila kung mahal mo ang isang tao handa kang magbago at sabi rin nila kung mahal mo ang isang tao handa kang tanggapin kung ano man siya.. bakit hindi niya kayang baguhin ang mga bagay na gusto niya, para sakin... I know that he loves me baka siguro ngayon hindi na niya ako mahal pero dahil mahal ko siya handa ako ngayong tanggapin kung ano man siya at kung ano ang gusto. I waited outside the building hanggang sa lumabas siya. "Zian ano ban plano mo sa buhay mo? ayokong nakikita kang ganito." I said emotionally- nahalata kong medyo hirap siya sa paglalakad. "Pwede ba umalis ka na lang ayaw na kitang makita hindi na kita mahal!" he said almost screaming with very expressive face. "Pero mahal pa rin kita, sabihin na nilang malandi ako pero hidi talaga ako papayag na mawalay sa'yo." I said and tears from my eyes was already falling... siya lang naman kasi ang gusto ko, siya lang ang mahal ko... "Kung mahal mo ako hahayaan mo ako kung saan ako magiging masaya-- at magiging masaya lang ako kung lalayuan mo na ako at hindi ka na magpapakita sakin." pagalit na sabi niya. "Talaga bang diyan ka magiging masaya? sige bukas hindi na ako magpapakita, pero hayaan mo akong tulungan kita hanggang makauwi ka sainyo." I replied. He nodded at wala na siyang ibang naisagot... tinulungan ko siyang makauwi sa bahay nila at pagkahatid ko sa kanya umuwi na rin agad ako, wala na ako sa mood para pumasok pa sa klase ko. During the evening nakatitig lang ako sa bilog at maliwanag na buwan katabi ang mga kumikislap ng tala sa langit, iniisip ko yung bagay na nagawa ko kung bakit siya sakin nagkaganito pero imbis na maisip ko yun mas pumapasok sa isipan ko yung mga masasayang alaala namin simula nung high school pa kami, masayang balikan yung mga nakaraan na mahirap ng ibalik sa dati, sa kakaisip ko nun hindi ko nahalatang unti-unti na palang tumutulo ang luha sa aking mga mata-- kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ramdam ko pa rin ang mainit na yakap niya sakin. Bumalik ako sa aking higaan nung natuyo na ang aking luha sa pamamagitan ng maliwanag na sinag galing sa buwan. Nang sumunod na umaga nakita ko ulit sina Zian, sumunod ako sa kanila pero patago na dahil alam kong ayaw niya na akong makita-- ito lang naman ang magagawa ko eh' ang bantayan siya dahil mahal ko siya-- handa akong tanggapin yung mga bagay na makapagpapaligaya sa kanya kahit masakit man sa kalooban ko. Araw-araw sinusundan at binabantayan ko siya, ayoko kasi siyang mapahamak, ayoko siyang mamatay kagaya sa mga magulang ko dahil kung mangyayari yun dapat ako muna ang maunang mamatay, hindi ko kayang mabuhay ng wala siya-- dahil alam kong pag nagkaganun araw-araw ay para akong paulit-ulit na pinapatay. Madami na rin silang nakaaway na ibang grupo, na ibang gangster... at ngayon nanunuod ako ng laban nila sa isang mayayamang grupo ng mga gangsters... "Mamatay ka na!" sigaw nung kaaway nilang may dala-dalang baril na nakatutok kay Zian. Tumakbo ako ng napakabilis papunta kay Zian niyakap ko siya kahit alam kong magagalit siya sakin pero yun lang ang naisip kong paraan para hindi siya matamaan ng bala--- ilang saglit pa'y nakaramdam ako ng mainit sa loob ng aking katawan, ramdam ko yung balang bumaon sa katawan ko. Ito lang naman ang alam kong gawin ang protektahan ang taong mahal ko ng totoo, kelangan nating magsakripisyo para sa taong mahal natin, at ako? handa akong isakripisyo pati ang buhay ko para kay Zian, para sa kaligtasan niya. Unti-unting nanghina ang katawan ko pero bago pa man ako natumba nasalo ako ni Zian. "Idadala kita sa hospital!" nag-aalalang sabi niya. "Huwag na da-dahil sa ga-ga-nitong paraan, hindi mo na tala-ga ako ma-ma-kikita, hayaan mo na lang akong ma-ma-tay, masa-ya ako na sa huling pag-ka-kata-on ikaw yung nakita ko ba-go pu-mikit ang mga ma-ta ko." pautal-utal na sabi ko. "huwag ka ng magsalita sophia.. ililigtas kita." he said "Tandaan mo Zian ma-hal na ma-hal kita, ka-hit sa kabi-lang bu-hay ikaw ang mamahal-in ko, hu-wag kang mag-alala da-hil ka-hit ka-luluwa na lang a-ko ga-gabayan at pa-rati a-kong magbaban-tay sa'yo..." "Sophia!!" he shouted to the top of his voice. He was already carrying me at nag-hahanap ng sasakyan na maghahatid samin sa hospital... Mukhang hindi na ako magtatagal-- mukhang hindi na ako aabot sa hospital. I'm happy that I've sacrifice my life to save the life of my love... "Zian ang pagmamahal ko ay para lang sa'yo..." ang mga huling katagang nasabi ko. [Everything Turns Black] *Zian's POV* "Sophia bakit mo pa isinakripisyo ang buhay mo para sakin, mahal na mahal kita !! kaya nga ako lumayo sa'yo dahil ayokong makita kang nasasaktan, umiiyak at nahihirapan..." nasabi ko nung biglang pumikit yung mga mta ng pinakamamahal kong si Sophia. Bakit niya pa hinarang yung bala? mamamatay na rin naman ako makalipas ang 3 buwan. Nung idinala ako sa hospita saka ko lang nalaman na meron pala akong isang nakamamatay na sakit at binigyan na ng doctor ng taning ang buhay ko... kaya simula nun gumawa na ako ng paraan para lumayo siya sakin, sumali ako sa isang grupo ng mga gangster dahil yun ang pinakaayaw niya sa lahat..sumali din ako sa kanila dahil nangako silang babantayan nila si Sophia kapag namatay na ako... Gusto kong layuan na ako ni Sophia dahil ayokong makita siyang araw-araw na mag-iisip na magkakawalay din pala kami, gusto ko na humanap siya ng ibang lalaking makakasama niya at magpapaligaya sa kanya ng matagal na panahon-- yun lang naman ang gusto ko eh' ang malaman na masaya siya bago ako bawian ng hininga.. Pero sa kabila pala ng mga sinabi ko sakanya parati pa rin siyang nakabantay sakin, hindi niya sinubukan mag-mahal ng iba, ako lang yung minahal niya hanggang sa kahuli-hulihan niyang hininga. Mahal na mahal kita Sophia hindi man tayo naging masaya sa mundong ibabaw alam kong magkakapiling pa rin tayo... excited na akon makasama ka ulit Sophia, hindi na ako takot mamatay dahil alam ko na sa pagpikit ng mga mata ko ikaw ang unang masisilayan ko. Alam ko sa langit mararanasan natin yung totoong kasiyahang ating inaasam... </3 </3 </3 [END] EvenHeartlessDevilCry :'(( (EHDC) |
