"Mafia Prince’s Labyrinth Of Love"
![]() Please leave a message as you download/copy stories/poems para naman mainspire akong gumawa pa ng another story/poem... Sana mag-iwan ka ng message. Para naman kahit papano malaman ko kung sino ang nag-visit sa website ko.
Salamat! |
Written by: EvenHeartlessDevilCry/Niobalicoco
Sorry for the typographical and grammatical errors.
A Property Owned by: EHDC
XXXX----XXX-----XXX----
PROLOGUE:
I was a bad trashy freakin' boy... I've tried all vices...
Love wasn't written in my destiny Love was the cause of my incomparable misery. Love was the reason of my unparalleled agony. Love wasn’t in my dictionary until I met her.
In all the vices that I've tried, I'm much addicted to her.
She was my sweet dreams. I was her nightmare.
She was my angel. I was her devil.
She was my heaven. I was her hell.
I love her but I don’t know if she loves me.
I'm just rubbish, Many want to kill me. Many people will herald and celebrate in my death.
I don't know where I am going, I just let my feet walk and walk until I fall from weariness.
When will my epic journey end?
I was lost in the maze.
And I know she was my only way out of this maze.
But when will she love me?
When will I be freed out of this LABYRINTH OF LOVE?
*******************
CHAPTER 1: THE KLUTZ
"Holy Shit!!" ako pa talaga ang nautusan ng kapatid kong si Keirsten na bumili ng damit niya..
Kaya ito, nandito ako ngayon sa bilihan ng mga damit pambabae.
"Hoy bakla! ako na lang ang bibili ng damit na yan, hindi naman bagay sa'yo!" sabi ng isang babae at hinawakan rin yung damit na hawak ko, may kasama siyang isa pang babae.
"You dolt! How fucking dare you to call me gay!"
"And how dare you too to call me dolt! You’re such a psychotic gay... babakla-bakla ka tapos ayaw mong tawagin kang gay!" sagot niya sakin at biglang inagaw yung damit na nasa kamay ko.
Kung hindi lang ako makapagpigil susuntukin ko na to', pasalamat siya't babae siya.
"Sinabi ng hindi ako bakla! Gimme that dress or else I'll gonna kick your ass off!!"
"So, kung lalaki ka bakit ka pumapatol sa babae?? You’re out of sane!! do you want me to straighten your twisted head?"
"Stop! Or else I'll gonna fuck you!"
"PERVERT!" binitawan ng babae yung damit at biglang sinipa ako sa kung saan mas pinakamasakit, bigla na ring nagsitinginan yung mga tao sa direksyon kung nasaan ako.
"Hershien! Run for your life!!" sigaw nung babaeng sumipa sakin..
Bigla silang tumakbo, hinabol ko sila kahit na nararamdaman ko pa ang sakit dahil sa pagkakasipa sakin.
"Bayaran niyo po muna yan, bago kayo lumabas dito.." pinigil ako ng guard dahil dala-dala ko yung damit, at hindi ko pa yun nababayaran. Fucking shit na guwardiyang to'... wala na rin naman akong nagawa kung hindi ay pumunta sa counter at bayaran yung damit para mahabol ko ang mga babaeng yun.
Pagkabayad ko, agad akong lumabas at tiningnan kung hindi pa nakakalayo yung mga baliw na yun.. humanda sila, Hershien pala ah', makita ko lang sila at papatayin ko pati ang kaluluwa nila.Pag bukas ko ng pinto ng shop kahit anino nila hindi ko na nakita, kaya umuwi na lang ako.
"Curfiel Trisch Nymford! nandito kana pala." tawag ng magaling kong ate.
"Nabili mo na ba yung damit na sinasabi ko sa'yo?" she asked.
"Ito na oh' dahil sa damit na yan nakakilala pa ako ng mga babaeng nakalaya sa mental"
"What? As in literally?"
"Hindi naman, akalain mo ba na sinipa ako sa below the belt." sabay tingin kong saan ako sinipa.
"Oh my G, Curfiel! she kicked your ... bwahahaha I think nararapat lang yan sayo, kasi kahit sino-sinong babae ang dinadala mo dito sa bahay." sabi ng baliw ko ring kapatid.
"Pag-ako nanalo sa susunod nating laban sa golf, humanda ka rin sa ipag-uutos ko sa'yo." sagot ko sa kanya at umalis na ako para tingnan yung part na nasipa sakin, masakit pa rin kasi, kung makasipa ang babaeng yun wagas... parang kabayo.
*Hershien's POV*
Nandito kami ni Ayesha nakaupo sa bench ng park nagpapahinga...
"Nakakapagod tumakbo Ayesha, bakit mo ba naman kasi siya sinipa?"
"'Cause he said he will fuck me, alam mo kahit gwapo siya hindi ko isusuko ang virginity ko, kaya sinipa ko siya using my carabao, elephant, bear,panda and horse power kick, kaya panigurado namimilipit pa sa sakit ang lalaking yun.. nyahahaha..."
"Bakit hindi mo pala siya tinawag na bakla?"
"Akala ko kasi bakla siya, remember karamihan sa pogi ngayon bakla, pero hayaan mo na yun nangyari na eh'."
"Di ba sinabi mo yung name ko bago tayo tumakbo..." I asked.
"Eh' ano naman? bawal na ba kitang tawagin sa real name mo?"
"Pa'no kung hanapin niya ako, remember pinahiya natin siya masyado dun sa shop, halos hindi na nga siya makapaglakad nung sinipa mo siya."
"Hindi ka naman niya mahahanap kasi maraming Hershien na name sa buong mundo, kung gusto niya maghanap pa siya sa outer space, tsaka nararapat lang sakanya yun!"
"Sa bagay, tara na nga umuwi na tayo."
"Wait lang, maghahanap pa tayo ng damit na isusuot ko para sa party ni Paine, nabitawan ko kasi yun damit na gustong-gusto ko nang tumakbo tayo... matagal kong pinag-ipunan yun para mabili lang, tapos-- nakuha lang ng lalaking yun, wala pa naman ibang stock nun'..G.R.R.R talaga!"
"Sige ,tara..."
Naglakad kami ni Ayesha papunta sa ibang shop, para bumili ng damit na isusuot niya...at nakahanap naman siya, pero mas gusto niya talaga yung damit na nabili nung lalaking sinipa niya.
Umuwi na kami ni Ayesha. Sana nga hindi na kami maalala ng lalaking yun.
*KINABUKASAN**
Dali- dali akong pumunta sa school dahil may exam kami.
"Magandang umaga Hershien!" bati ni Ayesha.
"Nagawa mo na ba yung mga assignments natin? pakopya naman." she added.
"Oo, natapos ko na, doon na lang tayo sa loob ng classroom, magrereview din naman kasi ako, di ba may exam tayo ngayon?" I asked her.
"Oo, may exam tayo pakopyahin mo na rin ako ng answer mo sa exam maya ha'" Ayesha said.
"Strict kaya si sir, grabe siya kung magbantay tuwing mag-exam"
"Mamaya na nga niyan, pakopyahin mo na lang muna ako ng answer sa assignment natin baka kasi magcheck si sir ng notebook."
Pagkasabi no'n ni Ayesha ibinigay ko na ang notebook ko at agad niya naman itong kinopya...
*Exam/Quiz Time*
Ang tahimik ng classroom, at ang lalayo namin sa isa't- isa.
Natatawa nga ako dahil parang manila zoo ang room namin, merong giraffe as in humahaba na ang leeg makita lang ang sagot ng katabi nila, merong mga kwago as in lumalaki na yung mata para may makalap na isusulat sa test paper, at meron ding mga paniki, hindi lang sila nga-iingay pero huwag ka, lakas ng eardrums kong makasense ng sagot, basta nakakatuwa ang mga nangyayari tuwing may exam.
"Class, lalabas lang muna ako ha' walang mag-iingay at walang kokopya sa katabi dahil kapag nakita ko ang isa man sainyo na nangopya hindi ko irerecord ang test results niyo... maliwanag?" sabi ni sir at lumabas na siya.
Pagkalabas ni sir.
"Ano sagot mo na sa number 3, sa 7 tapos sa 10?"
"Sa essay sa kabilang page ano nilagay mo?"
"Sa enumeration ba taman 'tong sagot ko?"
Sabay-sabay na nagsalita ang mga classmates ko, ako naman, nagtapon na lang papel kay Ayesha...
Nang itapon ko yun meron na ring gumaya sakin.. nagliparan ang papel na nilamukos.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Sir at bigla siyang natamaan ng isang crampled paper.
"Tumayo kong sino ang nagsimula nito?, sabihin niyo dahil lahat kayong IV-Uriel ay ipapatawag ko sa guidance office" galit na sabi ni Sir.
At tumayo ako, alam ko naman kasing ako ang nagsimula ng batuhan ng papel, ayokong madamay pa ang mga classmates ko.
"Hershien? Ikaw ba talaga ang nagsimula ng gulong to'?" tanong ni sir.
Tapos bigla na ring tumayo si Ayesha, sumunod naman si Paine, paisa-isang tumayo ang mga classmates ko hanggang sa umabot yung time na lahat kami ay nakatayo na.
"Sino ba talaga ang nagsimula nito?" tanong ni Sir.
"Ako po sir..."
"Ako sir..."
"Hindi po siya, ako po..."
"No, It's really me Sir..."
Sabay-sabay na pagsasalita ng mga classmates ko.
"Kung walang magsasabi ng totoo lahat kayo ay maglilinis ng buong playground, hindi ko irerecord ang test result niyo kapag hindi niyo nagawa ang punishment ko, sinabihan ko pa lang kayo na huwag mag-ingay, mga students talaga ngayon iba na ang ugali..." sabi ni Sir tapos pinapass na yung test answers namin at agad na ring lumabas.
*SA PLAYGROUND*
"Guys bakit kayo nagsitayuan lahat nadamay tuloy kayo sa kagagawan ko..." I said to them habang tinutusok ng barbe que stick yung mga tuyong dahon sa playground.
"That's part, all for one , one for all, walang iwanan classmates tayo di ba? Tsaka hindi mo naman kasalanan na gumaya kami sa'yo" sabi ni Flint na may dala-dalang sako.
"Sorry if I am so klutzy"
"No you're not, kalimutan na natin yun bilisan na lang natin maglinis para matapos sa agad tayo." sabi ni Paine habang binubuka yung sako.
"Basta ha' sorry..."
"Tama na nga niyan Hershien forget all about it." Clipsy said at lumapit siya sakin.
Then we continued cleaning the soccer-field -wide grassy playground, under the scorching and radiating heat of the sun, we're full of sweat while picking up all the trash in the playground--- as in sweat out talaga kaming lahat, halos 3 oras din kaming naglinis, hindi na kami pumasok sa iba naming klase...
"Sir tapos na po kami maglinis ng play ground." Ayesha said slowly, nandito na kaming lahat sa cubicle ni Sir.
"I'll record your test results but be sure na hindi niyo na uulitin ang ginawa niyong yun.. understand?"
"Opo Sir..." sagot namin lahat.
"Sige makakaalis na kayo." sabi ni Sir.
Tapos umalis na rin naman agad kami...
Dito sa school namin bawal ang mga klutz - ang mga clumsy pati ang pagsasalita ng mga badwords pero si Ayesha palihim siyang nag-aaral ng mga badwords, hindi ko alam kong bakit.Dito sa Heaven's Ethos Academy we're teached and trained to be a very good citizen that is worthy of emulation.
CHAPTER 2: Wingless Angel
*Hershien POV*
Nasa labas kami ngayon pauwi na, nakakapagod ang day na 'to.
"Huwag tayo diyan walang music." sabi ni Paine.
Nag-aantay kasi kami ngayon ng jeep, hindi na kasi namin inantay yung service.
"Dito na tayo oh' mga modern songs ang pinapatogtog." sabi ni Ayesha.
"Sige diyan na tayo." sabi naman ni Clipsy.
Agad namang pinara ni Flint yung jeep at sumakay na kami...
"Manong bayad po estudyante , nag-aaral ng mabuti." sabi ni Paine at inabot yung bayad niya...
Then bigla kaming nagtwanan , yung ibang pasahero naman nakatingin na rin samin.
"Talagang pati pag-aaral ng mabuti sinabay mo pa, may discount ba yun?" tanong ni Flint.
"Wala lang, malay niyo di ba?" sagot ni Paine.
"Sa bagay..."sagot naman ni Flint.
Nakakatuwa talaga to' si Paine, hindi naman magiging masaya ang barkada kung walang baliw di ba?.. hindi ko naman sinasabing baliw si Paine ..close to craziness lang...haha
Pagdating ko sa bahay agad na rin naman akong gumawa ng mga assignments and ecetera.
*Curfiel's POV*
"Shut your big fucking mouth up!"
I shouted to the bitches inside the classroom their so topsy-turvy, napakagulo at ang ingay, bad trip pa nga ako dahil hindi ko pa nahahanap ang mga babaeng yun...
"Oh' Curfiel bakit ang init ng ulo mo ngayon?" sabi ni Zhaic.
"Wala naman, ah' Zhaic nasaan ba yung ibang member ng Crucifix Six?" I asked.
"Nandun sa rooftop may laban sa grupo ni Kruizer."
"Fuck The World! bakit hindi nila sinabi? para sumama na lang ako sa kanila."
"Labang lang daw ng apat, hindi mo na kailangan sumama sa kanila, kaya na nila yun."sabi ni Zhaic at lumabas na ng classroom.
Nandito ako ngayon sa Mafia Academy, dito kami tinuturuan kung paano ang pumatay, magnakaw at gumawa ng kung ano-ano pang bagay na illegal, lahat ng mga estudyante dito mayaman pero pamilya namin ang nagpapatakbo ng paaralang ito.
"Curfiel!!" tawag ng magaling kong ate at pumasok siya sa napakagulo naming classroom wala kasi yung nagtuturo samin, meron siguro silang illegal transaction ngayon.
"Yung Crucifix Six nasa taas nakikipag-away..."
"Hindi ka na ba nasanay sa suntukan at away dito sa paaralan natin?"
"Sanay na ako dun', ang hindi lang ako sanay, is that you're not there-- together with the Crufixes!" sagot niya at umupo sa chair na nasa unahan.
"Kasi alam mo ang laban na yun ay para lang sa apat kaya hindi na ako sumama."sagot ko.
"Apat?they're so many kaya na nandun sa rooftop,more than 20 pa."
20? Wala namang mahilig manuod ng mga away at patayan ang mga estudyante dito.
"Eh' di umakyat na tayo para tingnan kung ano ng nangyayari."
Tumayo na ako at naglakad palabas ng room, sumunod din naman yung kapatid ko.
*SA ROOFTOP*
Naabutan naming duguan si Zhaic at yung iba pang member ng Crucifix-- ang dami nilang kaaway.
"Mabuti naman at nandito na ang magaling na leader ng Crucifix Six" patawang sabi ni Kruizer.
"You fucking asshole!! hindi ka marunong lumaban ng patas!!" I shouted.
"Sa pagiging mafia kailangan mong maging tuso!! kasi kayong Crucifix puro lang kayo lakas mga wala kayong utak!" Kruizer shouted.
"You crazy brainless idiotic spring chicken! wala kang karapatang saktan ang Crucifix!! sabat ng kapatid ko.
"At nagdala ka pa talaga ng mabubogbog namin! magaling dahil kahit babae ay pinapatulan namin! dahil bitin pa kasi kaming pahirapan ang limang 'to" sabi ni Kruizer at biglang sinuntok sa tiyan si Brett- kaya sumuka si Brett ng dugo.
Ang kapatid ko naman galit na galit na--may gusto kasi siya kay Brett pero wala namang gusto si Brett sa kanya, ang kapatid kong pathetic.
Tumakbo ang kapatid ko papunta kay Kruizer, agad rin namang may sumugod na limang lalaki sa kanya at napapaligiran na siya ng mga ito, pero sa isang ikot lang ng kapatid ko tumumba yung lima kasabay ng pagbaba ng buhok niya--(mahaba ang buhok ng kapatid ko at naka knee-length skirt siya ngayon, yung uniform ng school.) Hindi ko na nga nakita kung ano ang ginawa ng kapatid ko, kung sinipa niya ba o sinuntok.Ginagalang ko ang kapatid ko dahil mataas na ang rango niya sa Mafia Organization, ewan ko kang sa mga animal na 'to kung bakit hindi siya nakikilala.
Nang napatumaba niya yung lima, dire-diretso pa rin siyang tumakbo at mas marami pang lalaki ang sumugod papunta sa kanya, kaya tumakbo na rin ako para tulungan siya.
May mga dala-dalang armas ang mga kaaway namin pero ang kapatid ko madali lang silang napapatumba, nakalapit na siya kay Kruizer.
Pinapanood ko sila habang nakikipaglaban din ako sa natitira pang 3 kaaway, kinuha ko yung espada na hawak ng isang lalaking napatumba namin, may nakita pa akong isang espada at kinuha ko pa yun , bale 2 espada na ang hawak ko. I attacked them continuously hindi ko sila tinigilan hanggang sa nahiwa ko ang braso ng isang alalay ni Kruizer, halos nakalaylay na ang braso niya dahil sa hiwa, sumigaw siya dahil sa sobrang sakit, he also writhe. Wala rin naman akong pakialam dahil ang mga ganitong klaseng away ay hindi binibigyang pansin ng paaralang ito, dahil ito ay isang parte ng training para magi kaming isang magaling na member ng Mafia.
Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagsugod sa dalawang natitira pa... wala na silang ibang nagawa kundi ang sumangga sa mga ginagawa kong pag-atake.
Nakita ko ang kapatid ko na tumakbo papunta sa likod ng 2 lalaki at tinira ito sa kanilang leeg sa pamamagitan ng kanyang kamay at dahan-dahan na lang natumba yung dalawa. Napatulog na rin ng kapatid ko si Kruizer.
"Bring all the members of Crucifix at home, doon ko na lang sila gagamutin." sabi ng kapatid ko at naglakad na siya paalis.
Halos napuno ng dugo ang rooftop, madaming namatay hindi naman makakasuhan ang paaralan dahil yun ay bahagi ng training at kasama sa pinirmahang kontrata.
Dito natitira kung sino ang malalakas at matatalinong estudyante.
Isa-isa kong ibinaba ang 5 members ng Crucifix sa pamamagitan ng elevator bale 6 na palapag yung building kung saan naganap yung away.
I'm not tired killing those fucking men but I'm too tired carrying my bullshit members kahit merong elevator.
-FAST FORWARD-
At do'n sa bahay ginamot sila ng kapatid ko, habang ako'y nagpapahinga.
*Hershien's POV*
"Bilisan mo Hershien mahuhuli na tayo sa party ni Paine!" sigaw sakin ni Ayesha while knocking the door of my room.
"Wait lang nagulo yung buhok ko, ayosin ko lang." I answered.
"Move swiftly!"
"Ito na tapos na..."
At lumabas na ako sa kwarto ko...
Sumakay kami sa kotse ni Ayesha, siya ang mag-dadrive dahil itinakas niya lang yung kotse at hindi siya nagpaalam sa mommy niya.
Habang nasa daan kami, nakakita si Ayesha ng damit na halos kapareho ng damit na gustong-gusto niya sa isang shop, kaya pinark niya yung kotse para bilhin yun, haaaay... ang gastos niya talaga kaya ang mommy niya ay binibigyan lang siya ng saktong budget, nakakapag-ipon siya dahil parating nagpapalibre kay Clipsy-- boyfriend niya kasi yun.
"Oh my ghad, ito na ang sinasabi ko, ok lang kahit hindi yung damit that I really like yung mabili ko at least kamukha este medyo kapareho." sabi ni Ayesha.
Hindi na lang ako sumagot sa kanya bagkus nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa isang shop.
Nagtataka ako kung bakit walang tao sa labas.
Nang malapit na kami, biglang may tumakip ng panyo saming dalawa ni Ayesha at nakatulog kaming dalawa.
[Unknown Happenings]
"Buti naman at nagising na kayo!" sabi nung lalaki at namumukhaan ko siya-- siya yung sinipa ni Ayesha.
"Pakawalan mo kami, kailangan naming umattend ng party ng kaibigan namin!" sigaw ni Ayesha.
"You can't attend! dahil mamamatay na kayo dito!" the man shouted too.
Nakaupo kami ni Ayesha na magkatalikod at nakatali.
"For Jesus Christ sake, huwag mo kaming papatayin." pakumbabang sabi ni Ayesha.
"Di ba ikaw yung sumipa sa'kin!" sigaw ulit nung lalaki.
Tinangal nila ang tali kay Ayesha, nang pagkatanggal ng rope agad tumakbo si Ayesha pero nahuli siya ng iba pang lalaking nakabantay.
"Sabihin mo na ang huling dasal mo dahil dito na magwawakas ang buhay mo!" sabi ng isa pang lalaki.
Si Ayesha ay hawak ngayon ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay, pinipilit niyang makatakas pero mahigpit siyang nahahawakan ng dalawang lalaki.
Naglakad papalapit sakanya yung sinipa niya lalaki-- he has a dagger in his hand.
"Dahil sa pinahiya mo ako nararapat lang sa'yo 'to"
"Ayeshaaaaa!!!" sumigaw ako ng pagkalakas-lakas.
Sinaksak nung lalaki si Ayesha sa puso at bigla na lang nawalan ng buhay ang kaibigan ko.
Puno ng dugo ang kanyang damit hindi ko alam ang aking gagawin dahil nakatali pa rin ako.
"Ayesha!" I screamed and I'm crying out loud...
Wala na akong kaibigan at alam kong papatayin rin ako ng masasamang taong 'to.
Papalapit na rin sakin yung lalaki dala-dala yung bagay na ipinangsaksak niya kay Ayesha, ang kamay niya ay puno rin ng dugo ng minamahal kong kaibigan, still, I'm crying.
"Cast your last prayer.." he slowly said.
"Huwag!!" I shouted again.
Dahan- dahan niyang itinaas yung matalim na bagay at...
*KrrRiiIinnGgg!*
Bigla akong nagising at pinatay yung sound ng alarm clock.
Panaginip lang pala-- whatta nightmare, buti na lang at nagising pa ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakagawa ng mga assignments.
Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba.
"Ate Yani nasaan na po sina dad?" tanong ko sa katulong namin.
"Maaga po silang umalis, kumain na lang po kayo ng almusal niyo, magdidilig pa po kasi ako ng mga halaman." sagot niya, tapos pumunta na siya sa garden.
Napakaaga namang umalis nina dad.
Naligo ako, sinuot yung uniform, nag-almusal at umalis na rin kaagad-agad.
*At Heaven's Ethos Academy*
"Good morning!" bati sakin ni Ayesha.
"Magandang umaga rin." I answered back at bigla ko siyang niyakap...
Talagang malulungkot ako pagnawala si Ayesha dahil siya na ang naging kaibigan ko simula pagkabata, kahit ganyan siya, mahal ko siya and I accept her kung ano ang ugali niya. She makes me happy.
"Oh' anong nangyari sa'yo?" she asked.
I smile to her and said.
"Wala..."
"Wala naman pala eh' tara na sa classroom." sabi ni Ayesha.
"Nakagawa ka na ba ng assignments?" I asked her.
"Yah', ayoko ng mangopya sayo kasi baka magalit ka na sakin itulak mo pa ako sa kanal-- alam ko kasing pinaghihirapan mong sagutan ang mga assignments natin."
"Hindi ako ganun ha' kahit buong taon ka pang mangopya sakin ayos lang..." sagot ko sa kanya.
"Ang bait talaga ng best friend ko." then she smirked at me.
Then pumasok na kami sa loob ng classroom at nagkwentuhan lang hanggang sa dumating si sir.
"Blissful morning Sir!" we said in chorus.
"Blissful morning too." Sir answered.
"So lets have the prayer..Paine please lead." sabi ni Sir.
*-Prayer-*
"Our most gentle Jesus bestow us the necessary helps to persevere in your grace and holiness until death, eradicate all the temptations w/c assail us. We repent sincerely for having myriad of sins to thee, never permit us to offend thee again. We love thee Jesus with our whole heart.
May the multitudes of angels guide and protect us.
Amen"
"Class, take your seat."
At nagsiupuan na kaming lahat.
"Today, we will have a graded recitation I hope that you studied your lessons very well, so shall we start?" Sir asked.
"Sir, may we ask for 5 minutes review just to refresh the lessons?" tanong si Paine.
"Ok, after 5 minutes we will have the graded recitation..."
*After 5 minutes*
"Kendra, please stand." sabi ni sir at tumayo na rin si Kendra.
Absent si Kendra last week dahil nagkasakit siya, family nila ang may-ari ng school na 'to at God-mother ko ang mommy Ashbell niya.
"Kendra, say something about the Celestial Hierarchy, Pseudo-Dionysius the Areopagite (c. A.D 500)" sir said.
"Pseudo-Dionysius, the Areopagite explained how the ranks of angels transmit God's love and truth to every people, these 9 ranks are organized into 3 ranks of 3, the 1st rank consist of Seraphim, Cherubim and Thrones, Seraphim means fire-makers or carriers of warmth, Cherubim means fullness of knowledge and Thrones contemplate God's divine judgements. The 2nd rank consists of Dominations, Virtues and Powers they are responsible for the universal order of creation. The 3rd rank consists of the Principalities, Archangels and Angels; they are responsible in organizing every human affair." Kendra answered.
"Very well said Ms.Giron" Sir said to Kendra.
Ang galing talaga niya kahit umabsent siya ng isang week nakakahabol pa rin siya sa lessons.
"Hershien, please stand." sabi ni Sir.
At tumayo naman agad ako.
"Can every one of us be an angel? Explain your answer." Sir asked.
"Yes, because for me being an angel doesn't require wings to fly, angelic voice and face. Everyone can be an angel to other people by means of showing immeasurable love, unending care and always saying the truth for the common good, by showing them the beautiful meaning of life, by showing the right attitudes, etiquettes, values, maxims and axioms of life, inspiring and motivating them to do good things by being an epitome of great God's-creation. That would be all thank you." I answered.
Then nagtayuan ang mga classmates ko at nagpalakpakan.
"Galing mo Hershien, sayo na ang korona ko." sabi ni Ayesha.
"Pang beauty queen ang peg." sabi ni Paine.
"Very good!" sabi ni Sir.
Nagpatuloy pa yung graded recitation, natawag si Ayesha at si Paine-- nakasagot naman silang, napakagrateful ni Ayesha dahil yung part na nireview niya ay yun ang naitanong sakanya- ( kasi di ba? nakakamelt ng heart kapag yung nireview mo hindi naman naitanong sayo.), hanggang sa natawag na lahat.
"You will have your first project, kailangan niyong maghanap ng isang tao- yung taong sa tingin niyo ay kailangan baguhin ang kanyang ugali, you will serve as an angel for 1 month, you should have your own documentation." sabi ni Sir.
"But when is the start Sir?" Flint asked.
"You can start today, may 1 week kayong walang pasok, dahil may event na gaganapin sa school pero magkakaroon naman ng make-up class." sagot naman si Sir.
"Ok po Sir." sagot naman namin.
"Goodbye and good day." at lumabas na si Sir ng room.
Habang nag-aantay sa next teacher.
"Hershien pwede bang ikaw , na lang ang maging angel ng buhay ko?" tanong ni Flint.
"Hindi mo na kailangan ng angel andiyan naman si Paine." I answered.
"Yah' tama ang feng shui!" sabat ni Ayesha.
"Feng shui ka diyan, pa feng shui mo kaya yang buhok mo ang gulo na oh'" sabi naman ni Flint.
"Hindi ko na babaguhin ang pag-uugali mo dahil mabait ka na at wala na akong masasabi sa kabutihang loob mo."sabi ko kay Flint,
Tapos nag-smile na lang siya sakin at umalis na.
Chapter 3: Sex Slave
"Ngayon na yung party ni Paine" sabi ni Ayesha.
Kausap ko siya ngayon sa cellphone.
"Nagbihis na ako, sunduin na lang kita diyan sa bahay niyo, gagamitin ko yung kotse namin, pero hindi ako nagpaalam." dagdag niya pa.
"Oh' sige." I answered.
Tapos ibinaba na ni Ayesha yung phone.
*After 20 Minutes*
"Hershien!! nandito na ako!" sigaw ni Ayesha sa pinto ng kwarto.
"Lalabas na 'ko." sagot ko sa kanya.
I was so astonished to see Ayesha wearing her saffron dress, yung kagaya sa panaginip ko.
"Tutuloy pa ba tayo?" I asked Ayesha.
"Of course, bakit naman hindi?" she asked too.
"Because last night, my dream is like this-- ganyan na ganyan yung damit na suot mo nung kinidnap tayo at pinatay ka."
"Hershien, it’s just a dream, ano ka ba? Relax lang, hindi tayo mapapahamak." sabi ni Ayesha.
Hinawakan niya yung kamay ko at pumunta sa kotse niya, siguro hindi naman kami mapapahamak dahil panaginip lang naman yun.
Nag-drive na si Ayesha papunta sa venue ng party ni Paine, wala akong imik habang pinapanuod ang mga taong nadadaanan ng sasakyan namin.
Mga 10 minutes din nag-drive si Ayesha.
"Oh' my ghad.. what happened?" sabi ni Ayesha.
Tapos lumabas siya, tiningnan niya yung gulong ng kotse.
"Flat yung tires." sabi niya sakin.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" I asked.
"Tawagan mo na lang sina Clipsy, ask for help..." Ayesha answered.
I get my cellphone in my bag... then...
"Hershiiiiennnn!!!..." sumigaw si Ayesha.
Tumingin ako sa labas at nakitang hawak ng mahigpit sa kamay si Ayesha.
Lumabas ako at tumakbo papunta dun sa dalawang lalaki.
"Please, hayaan niyo ng makaalis ang kaibigan ko." dahan-dahan kong pagsasalita nung maabutan ko sila.
"Ano Curfiel? sabi ng magandang babae hayaan na lang daw namin 'to." sabi nung isang lalaking may hawak kay Ayesha dun sa lalaking nasa loob ng kotse, likod lang ng ulo niya ang nakikita ko.
"Hindi pwede dahil hindi pa ako nakakapag-higanti sa kanya." sagot nung lalaking nasa loob ng kotse.
Nakakapaghiganti? may kasalanan ba si Ayesha sa kanila?
"Wala akong ginagawang masama sainyo! mga filthy bastards!!" sigaw ni Ayesha.
"Hindi mo ba ako nakikilala..." bumaba yung lalaking nasa loob ng kotse at tinangal yung shades niya.
Laking gulat namin na yung lalaking yun ay ang lalaking sinipa ni Ayesha, ito na ba yung kagaya sa panaginip ko, yung mamamatay si Ayesha?
Hindi nakapagsalita ang kaibigan ko.
"Huwag niyong saktan si Ayesha, i'll do everything para huwag niyo siyang saktan." sinabi ko yun dun sa lalaking lumabas galing sa kotse.
Ayokong mamatay si Ayesha- ang nag-iisang best friend ko.
"Are you sure?..." tanong niya.
"I'm sure, hayaan niyo na lang makaalis ang kaibigan ko dito." I answered.
"Kahit maging sex slave kita gagawin mo?" tanong nung lalaki.
Hindi agad ako nakapagsalita.
"Hershien, don't ever dare to give your celestial body to that ugly freakin' lout!!" sigaw ni Ayesha.
Tiningnan ko na lang si Ayesha, hindi ako makapag-isip-- ibibigay ko ba ang puri ko o ililigtas ang kaibigan ko?
Umaasa ako na sana'y may dumaan na mga tao para mailigtas kami pero- wala...
"Ayesha, ayokong mapahamak ka..." I slowly said habang nararamdaman ko ang luhang tumutulo galing sa aking mga mata.
"Pero ayoko ring mapahamak ka!" she franctically answered.
Hindi ko na tiningnan si Ayesha, hindi na ako sumagot sa sinabi niya.
"I'm willing to be your sex slave..." sagot ko sa lalaki.
"Bitawan niyo na ang babaeng yan." sabi niya sa dalawang lalaking may hawak kay Ayesha.
At pinakawalan na rin nga nung dalawa yung kaibigan ko.
"Pumasok ka na dito sa loob." sabi nung lalaki sakin.
Tapos pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Hershien huuuwag!!" Ayesha screamed.
Tiningnan ako nung lalaki.
"Go inside." he said seriously.
Pumasok na ako sa loob ng kotse katabi ko siya...
Pinaandar na niya yung sasakyan at iniwan namin mag-isa si Ayesha.
"Hershieennn!" sigaw ulit ng kaibigan ko habang pinapanood ko siyang tumatakbo at hinahabol yung kotseng sinasakyan namin.
Mga 4 na minuto din siyang tumakbo at tumigil na lang siya bigla, alam kong napapagod na siya.
Pabilis ng pabilis yung pag-andar ng sasakyan hanggang sa hindi ko na matanaw si Ayesha.
Apat kami ngayon sa kotse, para akong isang daga na nasa loob ng hawla ng mga pusa.
"Can we kiss your sex slave? Curfiel?" tanong nung isang lalaki.
Curfiel pala ang pangalan niya, hindi ko kasi masyadong naintindihan kanina.
"Subukan mo lang Zhaic at baka mapatay kita, ako lang ang may karapatan sa kanya!" sigaw nung sinasabi nilang Curfiel.
Buti naman at kahit papa'no hindi niya ako hinahayaang galawin ng mga lalaking 'to.
"Relax lang, ikaw pa rin ang master niya..." sagot nung Zhaic.
Master? oo nga pala magiging slave ako, kaya ko ba?, parang gusto ko na lang magpakamatay, pero hindi pwede dahil Diyos lang ang may karapatang kunin ang buhay ko. Tumigil yung kotse sa isang maganda at malaking bahay.
"Hoy! Curfiel nandito ka na pala." sabi nung isang babae- ang ganda niya.
Pumasok na kami sa loob ng bahay, umalis na rin yung dalawang lalaki. Ang kasama ko na lang ngayon ay si Curfiel.
"Sino ang babaeng yun?" tanong nung babae.
"Wala...dito lang muna kami sa kwarto!" sigaw ni Curfiel.
Tapos pumunta na kami sa kwartong sinasabi niya, umupo siya sa isang napaka-eleganteng kama.
"Maghubad ka na..." he slowly said.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Ayaw mo? gusto mo ako na lang ang maghubad ng damit mo?" he said - he is already half naked.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin, ayokong may gumalaw sakin hanggang sa mahanap ko ang mapapangasawa ko, yung taong nakalaan para lang sakin-- kaya tumakbo ako papalabas ng kwarto dahil wala na rin namang nagbabantay sa pintuan.
But, when I was nearly approaching the door.
"Where will you going?" tanong niya habang hinaharangan yung pinto at naglakad siya papalapit sakin.
Paatras ako ng paatras hanggang sa na-corner niya ako. He looks straight into my eyes.
Marahan niyang inilapit sakin ang kanyang mukha na para bang hahalikan ako.
Wala na akong nagawa dahil wala na akong nakitang space na pwedeng takbuhan, ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinintay na lang ang pagdampi ng labi niya.
"Hahahaha... nakakatuwa ang mukha mo!" lakas ng tawa niya.
"Akala mo ba hahalikan kita? swerte mo!" dagdag niya pa.
Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya.
"Isa kang huwarang kaibigan dahil kahit sariling buhay mo ay ibibigay mo para lang sa kaibigan."
He said habang nagbibihis ng T-shirt na black na may nakasulat na Crucifix Six.
"Ayaw kong mapahamak ang kaibigan ko." I answered.
"From now on ikaw na ang magiging alipin ko, ikaw na ang gagawa ng mga assignments ko, ikaw ang magluluto para sakin at ikaw ang magpapaligo at magbibihis sakin. Ayos ba yun sa'yo?" He cordially asked.
"Ayos lang basta, alisin mo na lang po yung part na magpapaligo at magbibihis..." I answered.
"Bakit ayaw mo bang makita ang kabuuan ng katawan ko? bahala ka ikaw rin ang magsisisi..." He uttered sarcastically.
"Hindi po ako magsisisi.." sagot ko.
"Sige aalisin ko yun, pero kiss muna..." he said showing his face near me.
"Hindi ko po yun magagawa dahil alipin niyo lang pa ako at wala akong karapatan para halikan kayo." sagot ko sa kanya.
"Magaling na alipin. Ako pala si Curfiel, Hershien pangalan mo di ba?" he asked tapos inilayo niya na ang mukha niya sakin.
"Opo..." I answered.
"Pirmahan mo 'tong kontrata Hershien kong alipin, para meron akong katibayan na gusto mo talagang maging slave ko. Magiging alipin kita sa loob ng isang buwan. Ayos ba yun?"
"Basta mangako rin po kayo na hindi niyo na po kami gugulohin ng kaibigan ko pagnatapos na po yung 1 month na yun." magalang kong pagkakasabi,
"Deal!!" agad niyang sagot.
Tapos pumirma kaming dalawa sa contract.
"Pwede na po ba akong umalis?" I asked.
"Ayaw mo bang tumabi sakin matulog?" he asked too.
"Kailangan ko po talaga kasing umattend nung party..."
"Ok, but don't forget our deal! pag- hindi ka bumalik dito, I'll gonna kill you and your friend." he said then he smirked
"Sige pwede ka ng umalis, magcommute ka na lang diyan--" he added.
Tapos lumabas na ako ng pinto. Ang sama naman niya hahayaan niya lang ako sa labas, pero mas mabuti na'to kaysa sa saktan niya ako at gawing sex slave.
Mga 5 minutes bago ako nakapara ng taxing masasakyan, buti na lang at binigyan ako ng pera nung babaeng nandun din sa bahay.
Nakaabot pa rin naman ako sa party ni Paine.
"Hershien!!" Ayesha called me and she hugged me tightly.
"Ginalaw ka ba ng mga lalaking yun? hindi ka na ba virgin?" Ayesha seriously asked.
"Hindi naman sila, masama eh' medyo lang." I answered.
"Ano? medyo pa ba yun, para nga silang mga kakambal ni Satan." Ayesha said.
"Teka, paano mo ba naayos yung sasakyan?" I asked her para maiba na yung usapan.
"Meron kasing dumaan na mababait na lalaki and they helped me, akala ko nga aabutin na ako ng 100 years bago makaalis dun, but God is always kind..." sagot ni Ayesha.
"Lets just feel the party Ayesha." sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka ba talagang hindi ka nasaktan? nakapagreport pa naman ako sa pulis."
"Wala silang ginawa sakin, look at me wala akong pasa or something" I answered.
"Salamat, Hershien 'cause you're willing to give your life just to save me, you're a truefriend." sabi ni Ayesha.
"It's because I love my friends, forget about that magsaya na lang tayo..." sabi ko.
Then pumunta na kami kung nasaan si Paine at yung ibang friends namin.
*Party! Party! Started!*
Chapter 4: Hint In Climax
*Kinabukasan*
-At Heaven's Ethos Academy-
"Hershien did you enjoy the party?" tanong ni Paine, katabi ko kasi siya ngayon habang nakaupo sa isang bench under the shade of a very big narra tree.
"I really enjoyed the party last night..." I answered while watching the dry leaves of the tree falls to the ground.
"Are you sure with that?" may bigla na lang nagsalita.
Hinanap namin ni Paine kung sino yung bigla na lang nagtanong
Pagtingin namin dun sa direksyon kung saan malapit yung isang maliit na fountain nakita namin si Ayesha na papalapit samin.
"Above sea level kaya ang kasayahan ko last night." I answered to her.
"Wow Hershien mukhang gumagaya ka na sa mga makalaglag ngalangala kong expressions." Ayesha replied at umupo sa gitna naming dalawa ni Paine.
"Pasok na kaya tayo sa classroom, malapit na mag-time oh'" dagdag pa ni Ayesha.
"Oo nga noh, hindi namin namalayan ni Hershien ang oras." sagot naman ni Paine.
Tumayo na kaming 3 at nagsimula ng maglakad.
"Uy! mukhang may namumuong low pressure area." biglang sabi ni Ayesha, nakita kasi namin si Flint kasama si Hutchenova- magkaholding hands pa talaga.
"Bakit sa dami naman ng mabubuo low pressure area pa?" tanong ni Paine.
"Sssstt... huwag maingay parating yung high pressure area." Ayesha said, nakita kasi namin si Abegail (may crush kay Flint) na paparating.
"Hayaan na nga natin sila baka may mabuong super typhoon masabay pa tayo sa state of calamity." sagot ko rin- mukhang nakukuha ko na ang mga words na ginagamit ng kaibigan ko.
Then ipinagpatuloy na nga namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom.
Mga after 5 minutes pumasok na rin si Flint, hindi na rin naman namin alam kung ano ang nangyari sa kanila.
Pagpasok ni Flint mga 30 seconds din ang nakalipas ,pumasok na rin yung professor namin-- oh di ba naorasan ko talaga... pero estimate lang naman yan.
Nagsimula na yung discussion - further explanation about the project.
*End of Hershien's POV* -----
*Curfiel's POV*
"Curfiel! yun na naman ba ang bagong babaeng papaiyakin mo? ako na ang nagsasabi sa'yo don't do that, kasi parang ang bait-bait niya." sabi ng nag-mamala-anghel kong kapatid.
"Kaya nga mas nagkakaroon ng thrill, gusto ko maalis yung pagiging mabait niya sa iba, gusto ko magsisi siya na iniligtas niya pa ang kaibigan niya-- at higit sa lahat natatawa ako sa tuwing nakikita ko ang expression ng mukha niya, lalo na yung kagabi na parang hahalikan ko siya--- para siyang may down syndrome." sagot ko sakanya, medyo natatawa pa nga ako habang naiisip yun.
"Bahala ka nga, sana mahanap mo na ang katapat mo!"
"Oo na, sige punta lang ako sa Academy." I answered tapos naglakad na ako papalabas at sumakay na sa sarili kong kotse.
*At MA --> (Mafia Academy)*
"Uy Curfiel! anong ginawa niyo nung magandang babae? nag-sex ba kayo? pinahirapan mo ba siya?..." agad-agad na tanong ni Xandro, pagpasok ko sa classroom.
"Wala akong ginawa sa kanya, wala ako sa mood makipag-sex nun, kaya yun ginawa ko na lang siyang personal slave." walang ganang sagot ko sa tanong niya.
At umupo na ako sa bandang likuran ng classroom.
"Sayang naman parag virgin pa siya eh'." sabat namin ni Jao.
"Kung gusto niyo, di-tirahin niyo, huwag ako ang inuutusan niyi!" pasigaw na sagot ko.
Wala pa naman kaming professor parating late kaya marami kaming natututunan.
"Sabi mo yan ha'" excited na sagot ni Jao.
"Oo, pagpinagsawaan ko na siya."
"Good morning class." dumating na yung professor namin, nagulat ba kayo? marunong siyang mag-good morning? syempre kahit papano naman tinuturuan din kaming maging magalang- kahit kunti lang.
"Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa mga improvize explosive device, about gun calibration and different bombs blah-blah-blah!" hindi na ako nakinig sa mga pinagsasabi niya paulit-ulit na lang ganyan mukha niya para ng vintage bomb.
Natapos yung lesson na hindi ako nakikinig sa tinuturo niya, nakinig na lang ako ng music using my earphone, mas may kwenta pa yung lyrics ng kanta kaysa sa mga pinagsasasabi niya.
*Sa Rooftop*
Buti naman at kompleto ang Crucifix ngayon.
Kailangan nating mag-usap.
"Tungkol naman saan?" tanong ni Nagel.
"Nagtanong ka pa! kung tungkol saan! kung itulak kaya kita mula dito sa rooftop!" pagalit na sagot ko sa hindi pinag-isipang tanong niya.
"Syempre tungkol dun sa pagkatalo niyo sa grupo ni Kruizer, para kayong mga asong umuwi na bahag ang buntot." dagdag ko pa.
"Ang dami nila at gumamit sila ng mga armas para matalo kami, 5 lang kami nun at sila halos 100 , kapag natatalo namin yung iba, agad-agad naman na may pumapasok na panibagong kaaway, kaya wala na rin kaming nagawa." sagot ni Sky.
"Kung mag-isa lang sana si Kruizer, nailibing ko na sana siya ng buhay." sabat naman ni Zhaic.
"Hayaan niyo na, maghiganti na lang tayo sa susunod at dapat walang masasaktan at masusugatan dahil kung meron man, ako na mismo ang kusang papatay sainyo, sige mag-silayas na kayo at magpractice ng mabuti , nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob sa ate ko." sabi ko sa kanila.
Nang pagtingin ko sa pwesto kung nasaan sila nakaupo, mas mabilis pa sila sa alas kwatro kung bumaba sa hagdan, nakatingin kasi ako dun sa isang building may nakita kasi aking babaeng parang pamilyar ang mukha.
"Hoy Curfiel! pababa na kami ayaw naming makinig sa sermon ng pari ngayon, wala kaming pambigay sa koleksyon!!" sigaw ni Xandro.
"Gago ka! hindi ako pari!! sa pagkaka-alam ko hindi ka pa nakakapagsimba sa buong buhay mo!" pagalit na sigaw ko sa kanya.
At tumakbo na ako pababa.
Kabadtrip sila! pero ayos lang dahil mamaya maaalis na ang kabadtripan kong 'to dahil mag-sisimula na akong pagsilbihan ng personal slave ko, ewan ko na lang kung hindi siya umiyak sa hirap ng mga ipapagawa ko sa kanya- magandang trip 'to.. continue lang sa pagbasa at sabay tayong mag-enjoy sa mga gagawin ko sa kanya.
Ito balik classroom nakikinig ulit ng music, antayin na lang hanggang matapos ang klase.
*Hershien's POV*
"Thanks God, makakapagpahinga tayo mamayang hapon." Paine said excitedly.
Nasa loob kami ng service, pauwi na.
"May gagawin ka ba Hershien this afternoon?" tanong ni Paine.
Then nag-isip muna ako kung anong gagawin ko mamayang hapon... I remembered na ngayon na pala ako mag-start ng pagiging personal slave kay Curfiel, wala kaming pasok this afternoon kaya pwede na akong mag-start ara makauwi agad ako.
Everyday kailangan nandun ako sa house nila ng 6 hours para pagsilbihan siya.
"Meron eh' sorry I'm busy this afternoon." I answered, alam ko kasi mag-yayaya na naman siya papuntang mall.
"Bakit ba naman kasi may meeting pa ang mga professors mamayang hapon, nakakaboring kaya sa house sabi naman ni Ayesha.
"Dami nating assignments di ba? gawa na lang din kayo para tomorrow ready tayong lahat." I said.
"Hershien nasa harap na tayo ng bahay niyo... Goodbye see you tomorrow.." masayang pag goodbye sakin ng mga classmates ko at bumaba na rin ako.
Oh' di ba? kami na ang college na may service.. kasama kasi to' sa tuition sayang naman kung hindi magagamit.
Pagpasok ko sa loob wala sina daddy parati na lang silang busy sa trabaho, at wala pa rin yung kapatid ko...
Chapter 5: Maldita Lessons
Mga 1pm pumunta na ako sa bahay ni Curfiel.
*House of Curfiel*
Ang laki ng bahay at ang ganda-ganda.
"Have you eaten already?" tanong nung babae sakin nang pagbuksan niya ako ng gate.
"By the way,I'm Keirsten,Curfiel's sister." she added- kapatid pala siya nung baliw na yun.
"Kumain na po ako." I respectfully answered.
"What's your name?" she curiously asked.
"I'm Hershien po?" sagot ko habang naglalakad na kami papunta sa loob ng bahay nila.
"I know that you are the personal slave of my evil brother just to warn you iba ang ugali niya. I want you to become maldita kapag nasa harap ka niya dahil kapag nasa harap ka niya dahil kapag nagbait-baitan ka mas lalo ka niyang aasarin at pagtatawanan, alam ko na hindi natural sa'yo ang pagiging maldita, but ako na ang magtuturo sa'yo." sabi niya habang nakaupo rin sa sofa na kinauupuan ko.
"Maldita? Bakit naman po? ah where's Curfiel pala?" I hesitatingly asked.
"Don't say po to me just call me your ate, gusto ko kang gawin mo yun dahil nakikita ko ang sarili ko sa'yo dati, wala ngayon dito si curfiel pumasok siya sa academy, mamaya pa ang dating niya kaya pwede na tayong magstart ngayon -I'll teach how to become maldita."
Ate? ang bait naman niya hindi siya kagaya ng Curfiel na yun.Oo nga pala hindi ko naman alam na pumapasok pa sa school ang Curfiel na yun.
"Sige na nga po ate... kay Curfiel lang naman po ako magmamaldita eh'" I answered.
"Tara! punta na tayo sa mall watch me carefully at ipapakita ko sa'yo kung paano ang maging maldita at laitera, wait lang kunin ko lang yung bag ko."
Pumunta siya sa isang kwarto at kumuha ng isang mamahaling hand bag.
Hindi na siya nagbihis dahil maganda na yung suot niya- at ang ganda-ganda na niya.
"What are you waiting for? halika na dito, ako na magdadrive para sa'ting dalawa." sabi ni Ate Keirsten.
Pumunta ako papalapit sakanya at naglakad kami papunta sa isang black Limousine, ang yaman naman nila.
"Dapat matuto ka ha' or else ako ang magmamaldita sa'yo." casual niyang sabi.
"I'll try po..." I answered.
"Don't say po, I'm not too old pa naman." sagot niya habang nagdadrive na ng kotse papunta sa mall.
*Mall*
Parang model maglakad si Ate Keirsten, nakahigh-heels pa siya, she changed yung suot niyang sapatos nung naipark na niya yung kotse.
"Come here,watch me as I show to you the real verb of maldita." she said habang nauuna na siyang maglakad kesa sakin.
Binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya.
Nang makapasok na kami sa loob ng mall, nakakita si ate ng isang babae- kasama yung boyfriend niya.
"Hershien, the best way of learning is by doing, this time showing muna kaya watch and learn." sabi ni ate keirsten.
Then lumapit na siya dun sa dalawa na nakaupo sa bench.
"Excuse me, I like your boyfriend Can I have him?" magalang na tanong ni Ate Keirsten habang nakasmike.
"Pwede ba maghanap ka ng sarili mong boyfriend, mukhang baliw ka na eh'" sagot nung babae.
"Wow, sumasagot na pala ang palaka ngayon? my question is answerable by yes or no, kung papayag ka ba o hindi, tanga ka? o sadyang bingi ka lang talaga?" relax na pagsasalita ni Ate habang nakapamewang.
Sasampalin na sana siya nung babae pero nasalo niya ang kamay nito.
"Pwede ba miss huwag mo kaming guluhin ng girlfriend ko!" sigaw nung lalaki.
"Ganyan ka pa? ako na nga ang naawa sa'yo dahil ang pangit ng girlfriend mo, bulag ka siguro kung ganun nga napakaperfect ng love team niyo isang bulag at isang bingi, oh di ba? love team of the year." pataray na sagot ni Ate at sasampalin na sana siya nung babae gamit ang isa pang kamay ngunit nasalo ulit ito ni ate.
"Bakit gustong-gusto mong sampalin ako? hindi ka ba makapagpigil, ako nga kanina ko pa gustong ihampas sa pagmumukha mo 'tong mamahalin kong bag, pero napag-isip-isip ko huwag na lang dahil mas mahal pa ang bag ko kaysa sa pagmumukha mo wala kang face value." relax ulit napagsasalita ni Ate habang nakasmile.
"Sige ha' diyan na nga kayo enjoy your date." dagdag pa ni Ate tapos binitawan na niya yung dalawang kamay nung babae.
Nakita kong namumula na sa sobrang galit yung babae, sino ba naman kasi yung hindi? matapos sirain ni ate yung date nila tapos sasabihan ka ng enjoy your date.
Naglakad na si Ate papalapit sakin at iniwan na yung dalawa.
"Punta naman tayo sa isang resort." sabi niya sakin na parang walang nangyari.
"Ano naman Ate ang gagawin natin dun?." tanong ko.
"E' di maghahasik ng lagim este kamalditahan." sagot niya.
Lumabas na agad kami at pumunta sa kotse.
We're going to resort not to swim or what, magmamaldita lang si Ate Keirsten para turuan ako ng masamang pag-uugali, pero hindi ko naman isasapuso ang pagiging ganun.
*Sa Resort*
Malapit kami sa isang swimming pool, naghahanap kami ngayon ng cottage.
"Excuse me miss padaan nga." sabi ni Ate with respect.
"Ang luwag ng daa oh' can't you see?" mataray na sagot nung babaeng nakatwo piece.
"Ang taray mo naman, ako na nga ang nag-excuse me, kung itulak kaya kita diyan sa swimming pool baka sakaling malinis ng chlorine ang masamang pag-uugali mo." sagot ni Ate Keirsten habang nakawide smile.
"Nahiya naman ako sa kalinisan ng budhi mo." sagot nung babae.
"Buti naman at may natitira ka pang-hiya, siguro pinaglihi ka sa makahiya- isang galaw ko lang sa'yo titiklop ka!" ate said vigorously at nakasmile pa rin siya.
"How dare you! Anak ka ni Satanas!"galit na sabi nung babae.
"Talaga? siguro ikaw ang ina ko... Don't worry mahal kong ina dahil always ready ang red carpet pagbababa ka na sa impiyerno." mapang-asar na sabi ni Ate.
Then speechless yung babae.
Kaya dumiretso na kami dun sa nakitang magandang cottage ni Ate Keirsten.
Dire-diretso lang kami, natulala na lang kasi yung babaeng tinarayan niya.
"Ang papanget naman ng mga tao dito duh!" sabi nung isang babaeng katabi ng cottage kung nasaan kami ni Ate Keirsten.
"OMG! Lumalakas ang ihip ng hangin may nagbabadyang sama ng panahon- may maganda kasi- kasing ganda ng sugpo nakakahiya naman sa kanya." sabi ni Ate Keirsten.
"Are you refering it to me?" pataray na sabi nung babae sa kabilang cottage.
"Kung sa tingin mo mukha kang sugpo, eh' di ikaw yun." Ate answered.
"OK, but don't describe yourself ha'" sagot nung babae.
"Alam mo ba yung word na mirror? try mo kayang mag-salamin para malaman mo kung sino ang mas mukhang sugpo sa'tin."
Ate Keirsten calmly said habang nakangiti.
"Tignan mo naman kung sino mas maganda?-- ako di ba?" sagot nung babae.
"Maganda ka depende sa katabi try mo kayang ako ang tumabi sa'yo at baka lamunin ka ng lupa diretso sa kaharian mong impiyerno." relax na sagot ni Ate keirsten.
"Nakakaasar ka ng babae ka!" sigaw nung enemy ni Ate.
"Alam ko na babae ako, hindi mo na kailangan sabihin ka, hindi ako kagaya mo TANGA!." sagot ulit ni Ate na may emphasis sa word na tanga.
Tumigil yung babae na parang nag-iisip ng isasagot.
"Ooops! huwag ka ng mag-isip hindi bagay sa'yo alam ko wala kang utak." sabi ni Ate at binigyan niya lang yung babae ng nakakaasar na smile.
"Tara na nga Hershien, nasisira lang ang araw ko sa mga lamang-dagat na'to." sabi ni ate at inirapan niya yung babae.
Yung foe ni Ate Keirsten nakanganga naming iniwan.
Naglakad na kami papaalis.
"Kita muna Hershien, na drain yung utak niya, next destination naman tayo sa club."
"Marami na ako ate na natutunan, pwede na ba tayong umuwi to sum up the lesson." tanong ko sa kanya, talagang ate na ang natawag ko.
"Ay gusto ko yan, madali kang natuto, drain na rin naman kasi- hindi yung utak ko kundi yung bibig ko kanina pa kasi ako nagsasalita, sige umuwi na nga lang tayo." sagot ni Ate.
Hindi na kami pumunta sa isang club, dumiretso na kami sa bahay nila.
Chapter 6: Maldita's Axioms And Maxims
*Sa bahay ni Ate Keirsten*
Nakaupo kami sa sofa ni Ate at nag-uusap.
"So, Hershien ano ba ang nahalata mo sa tuwing nakikipag-usap ako?" tanong ni Ate Keirsten.
"Parati kayong nakasmile." I answered.
"Very good Hershien, thats the first thing, kapag may enemy ka, give them your sweetest smile, yung smile na hindi
ka pa nagsasalita naiinis na siya." Ate Keirsten explained.
"Ano pa ang naobserve mo?" Ate Keirsten asked.
"Yung relax lang po kayo habang nagsasalita." I answered.
"Very well!" masayang pagkakasabi ni Ate.
"You know Hershien if we have an enemy relax yourself, dahil kung sino ang unang na-high-blood what I mean is
nagalit, siya yung talo, huwag mong ipakita na naaasar ka sa kanya bagkus siya dapat ang maasar sa'yo." she added.
"What else?" Ate asked.
"You used different things to compare dun sa mga tinarayan niyo." I answered again.
"Excellent! Hershien ang galing mong observer. you should not cuss or say bad words remember hindi ka demonyo at ayokong mapunta ka sa impiyerno, you must know different words para hindi madrain ang utak mo, kagaya dun kay sugpo, so paano practice na tayo." sabi ni Ate Keirsten na mukhang excited.
"Ready ka na?" she asked.
"Yes, I am!" I answered.
"Hershien, bakit ka ba nandito? para landiin ang kapatid ko?" as usual sinabi niya yun habang nakangiti.
"Kung ako ang batayan ng pagiging malandi, siguro malandi na ang lahat ng tao." relax na sabi ko habang nakasmile din.
"Nakakatanga naman ang sagot mo." she said.
"Talaga? kung ako ang tanga, ano ka pa kaya? para kang hampas-lupa." sagot ko sa kanya.
"Sige sa'yo na ang word na matalino, isaksak mo sa FALLOPIAN TUBE mo." she replied.
"Eh kung pektosan ko kaya yang bahay-bata mo? kung makaasta ka akala mo kung sino kang maganda." I repiled.
"Yes I am beautiful than you kaya lumayas ka na sa pamamahay ko, dapat sa'yo sa doghouse." agad na sagot niya.
"Wooooh!" gulat na sabi ni Curfiel
"Alam mo kapatid, huwag mong tinatarayan ang alipin ko, kung hindi ikaw ang malalagot sakin." lumapit siya kay Ate Keirsten at sinabi yun.
"Hindi ako tinatarayan ni Ate Keirsten." agad na sabay ko kay Curfiel oh' di ba maldita na talaga.
"Ate? kelan mo pa naging ate ang kapatid ko?" tanong ni Curfiel.
"Kanina lang.." I answered.
"Hay naku malamang tinuturuan ka na naman niya ng kamalditahan, kagaya ng ginawa niya sa iba." Curfiel replied.
"Halika dito sa kwarto, magse-sex tayo." Curfiel softly said at umakyat na siya sa 2nd floor.
Hindi na naman ako nakapagsalita.
"Bwahahaha,. nakakatawa talaga ang facial expression mo para kang mongoloid!" sabi ni Curfiel habang tumatawa.
"Hindi ako mongoloid! baka ikaw!." pagalit na sagot ko sakanya.
"Halika na dito sa kwarto! pag-hindi ka sumunod papatayin ko yung bestfriend mo." pananakot ni Curfiel.
Kaya sumunod na ako sa kanya at nag-paalam na kay Ate Keirsten.
*Kwarto ni Curfiel*
"Dahil sa pagod na pagod ako, kailangan marelax ako ngayon kaya kumanta ka ." sabi ni Curfiel habang nakahiga.
"Dapat yung makakatulog ako ha'" dagdag pa niya.
"Sana nga hindi ka na magising." pabulong na sabi ko.
"Anong sinabi mo? hindi ko narinig."
"Wala, sabi ko, Opo bossing."
"Yun naman pala eh' sige kumanta ka na." utos ulit ni Curfiel.
"Bahay kubo, kahit munti ang halaman doon ay .." hindi pa nga ako tapos kumanta ng biglang..
"tahahaha,.." tumawa si Curfiel.
"Bakit yan ang kinanta mo? ano akala mo sakin kinder? grade 1? alam mo pinapasaya mo ako eh'." Curfiel said.
"Kumanta ka na lang ng kahit ano basta huwag ganun." sabi niya ulit habang nakangiti.
"I'm frustrated singer, ang panget ng boses ko, pagsayaw lang ang alam kong gawin."
"You mean sexy dance? sige dito ka sa taas ng kama ko sumayaw." sabi niya habang nakaevil smile.
"hindi ako G.R.O at hindi ako kagaya ng iniisip mo!" I answered.
"Ballet lang ang alam kong sayawin." I added.
"Huwag na nga lang nagugutom na ako eh' teka lang ha' magbibihis ako." sabi ni Curfiel then bigla na lang siyang naghubad ng damit, ang bastos niya, kaya ako na lang ang lumabas ng kwarto.
*after 5 minutes*
"Tara punta tayo restaurant." sinabi niya yun at biglang hinawakan ang kamay ko.
Ang bilis-bilis niyang maglakad.
Nang makarating kami sa kanyang kotse.
"Bilis sumakay ka na, nagugutom na ako." sabi ni Curfiel at pumasok na siya sa kotse. Pumasok na rin naman ako.
"Bakit hindi ka na lang kumain dito sa bahay niyo?" I inquired.
Pinaandar na ni Curfiel yung kotse.
"Walang pagkain diyan samun lahat lulutuin pa, kaya bukas ipagluluto mo ako ng pagkain." he answered.
"Nasaan ba yung mga parents mo?" I asked again.
"Nasa ibang bansa nagtatrabaho pareho bakita?"
"Ah' wala natanong ko lang, mayaman naman kayo, bakit hindi ka kumuha ng maid." tanong ko ulit.
"Kaya ko ang sarili ko noh' ! bakit ba ang dami mong tanong ha? imbestigador ka ba?" pagalit na sinabi niya kaya natahimik na lang ako.
Medyo maldita na ba ako? sa kanya lang naman eh'.
(100x na kuliglig effect)
"Tara , lumabas ka na diyan ! nagugutom na talaga ako." sabi ni Curfiel, nasa labas na kasi siya ng kotse - nakarating na kai sa harap ng restaurant.
Lumabas na rin ako at bigla niya ulit hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa restaurant.
*Sa Restaurant*
Umorder na si Curfiel... at nafifeel yung madaming matang nakatingin samin.
"Kumain ka na?" sabi ni Curfiel.
"Huwag na, makita lang kitang bumubula ang bibig sa kabusugan ayos na'ko." sagot ko sa kanya oh' di ba ina-adapt na ang Maldita Axioms.
"Bumubula talaga? bahala ka diyan pag-nagutom ka hindi ko na yun kasalanan." Curfiel replied.
(After 100 light years)
Natapos na rin sa pagkain si Curfiel.
"Teka lang ha mag-c-cr ako.." he said.
(After 4 decades)
Lumabas na rin si Curfiel.
"Tara!" sabi niya tapos hinawakan na naman yung kamay ko.
"Yuck! kadirdir ka, kagagaling mo pa lang sa cr tapos hinawakan mo ang kamay ko, naghugas ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi! pero ok lang malinis naman yung ano ko eh'" sagot niya.
"Huhuhuh! bitawan mo ng ako ang dumi ng kamay mo! ewww!!" I said.
"Hindi, malinis talaga yung ano ko kahit dilaan mo pa yang kamay mo hindi ka makakakuha ng bacteria." he replied.
"For Godsake Curfiel! ang bastos-bastos mo ajujuju (T_T)" sabi ko sa kanya na parang naiiyak na.
"Hahaha, nakakatawa na naman yang facial expression mo, naghugas ako noh' tsaka itong isang kamay ang ginamit ko nung pag-cr ko." sinabi niya habang namumula ang mukha sa kakatawa.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kanyang kotse.
"8 pm na.. at sobra na ako ng 2 oras sa pagiging personal slave ko sa kanya.
"Curfiel sobra na ako sa oras, 1 pm pa lang nandun na ako sa bahay niyo, 6 hours lang ang usapan natin di ba?" tanong ko sa kanya habang umaandar na yung sasakyan.
"Samahan mo muna ako hanggang mag 9 pm, pwede ba yun?"
"Sige pero bukas bali 3 hours na lang ang pagsisilbi ko sa'yo." I replied to him.
"Oh sige ba!" agad na sagot niya.
Ang bait naman niya ngayon... sana magtuloy-tuloy na.
Pagkauwi namin sa bahay nila.
"Whooaoaoa.." nag-yawn si Curfiel.
"Inaantok ka na?" tanong ko.
"Oo eh' pero hindi ka pa pwedeng umuwi dahil hindi pa 9 pm, tara dun tayo sa kwarto..." sagot niya tapos hinawakan na naman niya ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa kanyang kwarto.
*Sa loob ng Kwarto ni Curfiel*
Pumasok si Curfiel sa CR maghihilamos daw muna and etcetera.
-After 48 century-
Lumabas na si Curfiel.
"Matutulog na ako, huwag mo akong i-rape ha' sabihan mo lang ako kung gusto mo ng ganun ayos lang naman sakin eh' , ang gusto ko lang concious ako habang ginagawa natin yun." he said then diretso ng humiga at nakaakap sa kanyang unan.
"Ang bastos-bastos mo talaga! anong akala mo sakin?"
*tooogsssh* "araaaay...!" bigla akong binato ni Curfiel ng unan.
"Ano ka ba? ang sama-sama mo, hindi kita inaano!" sigaw ko sa kanya.
"Ang ingay-ingay mo kasi hindi ako makatulog!!" sagot niya habang nakapikit pa ang mata.
"Sana di ka na talaga magising.." I murmured.
"Sino na naman kinakausap mo diyan? nababaliw ka na ba!" biglang sabi ni Curfiel.
"Wala sabi ko goodnight..." agad na sagot ko.
"Goodnight din." he replied.
Pagkatapos nun nakatulog na rin si Curfiel.
Salamat naman at makakauwi na ako.
*Sa Bahay*
-9pm-
Hindi pa rin dumating sina Dad dahil karaniwang umuwi sila 9:30.
Sa bahay kumain muna ako,- toothbrush, hilamos, change clothes-- haizt nakakapagod ang day na to.
Chapter 7: Undeniable Crush
*6pm*
Pag gising ko... grabe ang sakit ng katawan ko parang gusto ko pang matulog pero hindi pwede eh' may pasok pa kami ngayon sa school..
"Shien, kailangan naming pumunta sa ibang bansa ng daddy for business purposes ikaw na muna bahala sa kapatid mo, then kung may kailangan kayo nandiyan naman si ate yani niyo." mommy said while were eating our breakfast.
"Mommy ilang days po ba kayo dun?" Ahtna Anne my sister inquired.
"Mga 2 months din kami dun." daddy answered.
"Ok po." malungkot na sagot ng kapatid ko.
"Anne, don't worry, pag may kailangan ka i'm always here to help you." sabi ko sa kapatid ko- 2nd year high school na siya.
Hindi na siya sumagot bagkus she just gave me an approving smile.
"Sige po Dad, Mom, mali-late na po kasi ako sa klase." I said then nag-kiss na muna ako sa kanila bago umalis.
*@ Heaven's Ethos Academy*
Naglalakad ako papuntang classroom- nasa pavements ako.
"Good Morning." sabi ni Xryszian -classmate ko.
"Good morning din." I replied.
"Sabay na tayo papunta sa classroom." then tumakbo siya papalapit sakin.
Ang swerte ko naman ngayon- kasama ko papunta sa classroom yung crush ko-- opo crush ko si Xryszian pero hindi naman niya alam kasi hindi ko sinasabi sa kanya at wala akong planong sabihan pa dahil masaya na ako na magkaibigan lang kami- baka pag nalaman niya iwasan niya na ako.
Maraming babae ang may gusto sa kanya- sabi daw nika dahil gwapo si Xyrszian- ako crush ko siya dahil ang bait-bait niya...siya ang pinakamabait na lalaking nakilala ko.
"Mukhang ang saya natin ngayon ha'?" hindi nami alam ni Xyrszian kung sino ang nagsalita, then pagtingin namin sa likod nadun si Ayesha nakawagas na smile.
"Di ba dapat everyday tayong masaya." Xryszian replied.
"Oo tama ka!"sagot ni Ayesha
"Hershien nakagawa ka na ba ng assignments?" Ayesha asked me.
"I forget to answer..." nakalimutan ko na dahil sa sobrang pagod... ang Curfiel kasing yun.
"Meron ako, gusto niyo kopyahin niyo na lang." sabi ni Xryszian samin- oh' di ba ang bait niya talaga.
Sa classroom agad na rin namning kinopya yung mga sagot sa assignments namin... ang ganda ng sulat ni Xryszian- mas maganda pa sa sulat ko--
After naming makakopya.
"Xryszian thanks ha' ito na pala yung notebook mo." I said habang inaabot sakanya yung notebook niya.
"Welcome basta ikaw." he answered.
Kinuha niya na yung notebook..
then bumalik na ako sa proper seat ko.
"Hershien kayo na ba?" Ayesha whispered.
"Huh'?" nagtatakang sabi ko.
"Bakit ang bait sayo ni Xryszian? si crush mo?" sabi ni Ayesha- alam kasi niya na crush ko si Xryszian nagconfess kasi kami sa isa't-isa.
Ang crush ni Ayesha ay si Clipsy at ngayon boyfriend na niya ang taong crush niya kasi naman parati namin silang nililink ng mga classmates ko kaya ayun natuloy din silang dalawa.-- siya na talaga ang pinagpala sa babaeng lahat.
"Mabait naman siya sa lahat ah'" I answered.
"Tama ka nga." sagot niya then tumigil na siya sa pagsasalita.
*Lunch time*
"Hershien sama ka sakin sa house, duna na lang tayo maglunch..." biglang sabi ni Ayesha habang naglalakad kami papunta sa Food Kiosk ng school.
"Grabe ka Ayesha, si Hershien lang? di ba kami pwede sumama sa bahay niyo?" Paine abruptly said pagkarinig niya sa mga sinabi ni Ayesha.
"Excited lang tayo?-- syempre Oo, iisa-isahin ko nga sana kayong tatanongin eh'" sagot ni Ayesha.
"Dapat pa bang itanong yan? syempre papayag kami." Paine swiftly answered.
"Sasama ka ba Hershien?" Flint asked.
"Kung saan ang gusto ng mga kaibigan ko syempre dun din ako." I replied.
"Sige tara na ."
Ginamit namin yung kotse nina Flint-- meron silang driver... lima kaming magkakasama ngayon-- si Ayesha, Flint, Clipsy, Paine at Ako.
*Sa bahay ni Ayesha*
"Hi, Kuya Kruizer bakit nandito ka? di ba may pasok kayo ngayon?" tanong ni Ayesha sa kanyang kapatid.
"Wala may kukunin lang ako, kaya bumalik ako dito, kumain na ba kayo? ipaghahanda ko kayo ng makakain?" sabi niya samin.
Ang bait talaga ng Kuya Kruizer niya- sabagay kailangan niyang alagaan ang nag-iisa niyang kapatid- patay na pala yung ama ni Ayesha then magkapangalan sila nung nanay niya.
"Huwag na kuya ako na lang." sagot ni Ayesha sa kuya niya.
"Andito naman si Yaya." Ayesha added.
"O sige aalis na muna ako ha'..." sagot ng kuya niya.
"ok kuya..." ang sweet naman nilang magkapatid.
Umalis na yung kuya niya.. naglakad na papalabas ng pinto.
"Ayesha nasaan ba yung mom mo?" I asked.
"As usual nasa trabaho." she replied.
"Ate, ano po ba yung mga niluto niyo diyan?" tanong ni Ayesha sa katulong nila.
"Ihahatid ko na po diyan." sagot nung yaya nila.
"Tutulungan ko na po kayo." sabi ni Ayesha at pumunta na siya sa kusina.
"Wait! tutulong na rin kami.." Clipsy plainly said.
"Sige, bahala kayo." Sumunod na kaming lahat papunta sa kitchen.
Kumain na kaming lahat--
"Flint sino ba girlfriend mo ngayon?" Paine broke the prolonged period of silence.
"Wala nga eh' bakit mag-aapply ka?" tanong ni Fling.
"What are the requirements?" Paine mumbled.
"Ahm, NSO, Medical Certificate, NBI Clearance, Barangay clearance, Resume, latest Picture 1x1 and 2x2 four copies and essay kung bakit kita kailangan maging girlfriend minimum of 500 words encoded- font style arial, font size 12-- deadline bukas." he dictated.
"I'm just jesting! ano ka ba?" sagot ni Paine.
Hay naku halata naman talaga na may gusto si Paine kay Flint-- 2nd year high school pa lang nahalata ko na, yan ang mahirap sa mga girls di ba? halata ng inlove- idinideny pa.
Natapos kaming kumain na puro kulitan at biruan lang.
Then bumalik na kami sa school.
After the class umuwi na agad kami nila Ayesha.
*Sa Bahay*
"Andito ka na pala Ate Shien." Ahtna Anne said.
"Si Dad and mom umalis na ba Anne?" I asked.
"Ate kanina pa daw sabi ni ate yani." she muttered at tsaka umupo sa sofa and nanuod ng TV.
"Teka lang ha' magpapalit lang muna ako ng uniform."
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit Pagkabihis ko agad akong bumalik dun sa kapatid ko- nakaupo pa rin siya sa sofa at nanunuod ng TV.
Hindi na muna ako pupunta dun sa baliw na Curfiel na yun, baka tomorrow na lang ako pumunta sa kanila wala kasing pasok eh' its saturday.
"Ate Shien, may gagawin ka ba tomorrow?" Ahtna Anne questioned me as I sat beside her.
"Yah' punta ako dun sa bahay nila Curfiel." I answered.
"Who's that Curfiel? one of your classmate ate?" she inquired again.
"No, it's part of our project, kailangan kong maging angel for him in 1 month, then dapat ma-change ko yung bad attitude niya." I replied.
"You mean ate? He's so evil??" sabi ni Anne na may emphasis sa word na evil.
"Mas evil pa sa evil." I replied then she stared at me.
"I want to see that guy ate, pwede ba ako sumama sa'yo? Please ate, I will be bored na naman here tomorrow and i'll try to help you rin ate." Ahtna Anne said.
"Ok basta paghindi mo na kaya yung attitude niya, sabihan mo lang ako." I said- pumayag na ako kasi kawawa naman siya walang kasama, sakin pa naman siya pinapabantayan ni mommy-- at alam ko rin na pag hindi ako pumayag gagawin niya lahat para lang pilitin ako, kaya nga sa ibang school siya nagkaklase-- yah magkaiba kami ng school ng kapatid ko kasi pinilit niya si daddy at si mommy.
Si Curfiel na yung napili kong taong babaguhin ang pag-uugali kahit alam kong impossible- (tiwala lang) sayang naman kasi kung magiging alipin niya ako for 1 month tapos masasayang lang ang oras ko.
I know God will help me para baguhin ang pag-uugali niya.
Chapter 8: Cannibal
"Ate wake up!" Anne yelled habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
Ang aga-aga naman niya 6:30 am pa lang, wala namang pasok. I sluggishly opened my eyes then bumuhat na sa kinahihigaan ko at pinagbuksan siya ng pinto.
"Why so early?" I inquired.
"Ate pupunta tayo dun sa sinasabi mo, kay Curfiel ba yun?" she said.
"Akala ko ba hindi mo pa tapos gawin kagabi yung mga assignments mo." I mumbled.
"I'll just bring na lang my notebooks and books sa bahay nung pupuntahan mo ate." she muttered.
"Sinasabi ko sa'yo Anne, iba ang ugali ng lalaking yun."
"OK lang ate, ,kaysa naman dito lang ako sa bahay mag-isa."She replied.
Lumabas na ako ng kwarto, at sabay na kaming bumaba ni Anne.
We ate our breakfast.
After several minutes na kapag-ayos na kami ni Anne.
"Anne ano ba yang bag mo? hindi naman tayo magha-hiking." sabi ko ang laki naman kasi ng dala niyang bag.
"Nilagay ko kasi ate sa bag ko yung mga notebooks and books ko and some clothes para sa'ting dalawa ate." she answered then she smiled
Pumunta na kami ni Anne sa bahay nila Curfiel -nagcommute lang kami.
*Sa bahay nila Curfiel*
"Oh' andito ka na pala Hershien, who's that girl?" Ate Keirsten asked.
"She's my younger sister." I asnwered.
"Hello po!" sabi ni Anne at ikinakaway yung kamay niya.
"Hi!" sagot ni Ate Keirsten "Nandun si Curfiel sa kwarto niya natutulog pa ata'."
"Sige Ate Keirsten, gigisingin ko lang pi siya, para makapagstart na ako." I answered.
Meron akong 3 + 6 = 9 hours akong magiging alipin ngayong day na 'to...
Iniwan ko muna sina Ate Keirsten at si Ahtna Anne at pumunta sa kwarto ni Curfiel, medyo natatakot nga ako dahil baka pagkatok ko sa pinto bigla niya na lang akong saksakin- ang lakas pa naman ng tupak nun.
Nakarating na ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Curfiel.
Kumakatok na ako ng saktong binuksan ni curfiel yung pintuan kaya yung dibdib niya ang tinamaan ng kamay ko.
"Aaraay.. Ano ba yan umagang-umaga nandito ka agad mongol!?" biglang sabi ni curfiel.
"Bakit naman Mongol, yung brand ng pencil?" I inquired.
"Eh' kasi mukha kang MONGOL-OID!" sagot niya.
Nakakapang-init ng ulo umagang-umaga.. hindi na lang ako sumagot sa kanya bagkus sumimangot na lang ako.. dumiretso na siya palabas ng pinto at biglang inilapit yung ulo niya sakin then he whispered..
" I LOVE..
ANNOYING YOU.." at bigla niya akong nginitian.
Nakakainis naman- slave na nga ako tapos gusto niya pang-inaasar ako.
Patuloy pa rin siya sa paglalakad-- then I ran going to him..
"Saan ka ba pupunta?" i asked him nung maabutan ko siya.
"sa CR bakit sasama ka? gusto mong makita?" biglang sagot niya with matching wide friendly smile.
"Anong akal mo sakin?" sagot ko habangng nakapamewang para na akong si Ate Keirsten.
"Huwag ka na mag-inarte diyan sumama ka na lang sakin sa CR, promise magugustuhan mo ang makikita mo malaki at mabango." sabi niya habang nakaevil smile.
"Alam mo ang bastos mo."
"Sino kaya mas bastos satin? Ikaw kaya yung may maduming isip, ang ibig kong sabihin magugustuhan mo yung CR kasi malaki at mabango." he answered.
Tama nga siya, masyado ng napopollute ang utak ko.
He continued walking hanggang makarating sa dining room.
"Akala ko ba, pupunta kang CR?" I questioned him.
"Joke ko lang yun, nagugutom na ako eh' kaya pumunta ako dito- ikuha mo nga ako ng makakain sa kusina- bilisan mo kung hindi ikaw ang kakainin ko." he commanded.
I hastily went to the kitchen then i brought him breakfast - yun yung mga tira ni Ate Keirsten- haha hindi na ako magluluto.
"Kumain ka na ba?" Curfiel asked me.
"Tapos na" matipid na sagot ko.
"ate, siya ba yung curfiel?" biglang tanong ni athna anne nung pagpunta niya sa dining room.
"oo anne, siya na nga si curfiel , mag ingat ka na lang sa kanya." i murmured to anne.
Tapos tiningnan lang ng kapatid ko si curfiel.
"Sino ba ang babaeng yan?" tanong ni curfiel nung nakita niya si anne.
"she's my sister, pwde dito na muna siya wala kasi siyang kasama sa bahay eh'" i answered.
"ok, basta huwag siyang mang gugulo sa'ting dalawa." curfiel said.
"bakit ano bang ginagawa niyo ate?" my sister asked at nakatingin sakin ng maigi.
"Hindi pa pala nasasabi sayo ng ate mo na may ginagawa kaming kababalaghan" biglang sabi ni curfiel habang kumakain na parang walang paki alam sa magiging reaksyon ng kapatid ko.
"What ate? Totoo ba ang sinasabi niya?" gulat na gulat na tanong ng kapatid ko.
Hinawakan ko sa wrist yung kapatid ko then dinala ko siya sa isang corner.
"Alam mo Anne, kulang-kulang ang lalaking yan, di ba sabi ko sa'yo iba ang ugali niya, kaya huwag kang maniwala sa lahat ng sasabihin niya, sumakay ka na lang muna sa kabaliwan niya." I whispered to my sister.
Then binigyan na lang ako ng kapatid ko ng I-understand-you- look.
Bumalik na kami dun sa kinatatayuan namin kanina.
"Ano bang sinabi mo alipin diyan sa kapatid mo?" tanong ni Curfiel
"Ate alipin?" Anne muffled.
"di ba sabi ko huwag kang maniniwala sa pinagsasabi niya." pabulong na sagot ko.
"ok ate." she answered.
"Ang sinabi ko lang sakanya huwag niya akong isusumbong kay mom." sagot ko kay Curfiel.
Tiningnan niya muna ako ng maigi at sumagot ng...
"Ok." then he smirked at me.
Tapos hindi na kami umimik.
After several minutes natapos na rin si Curfiel sa pagkain.
"Pupunta dito yung mga kaibigan ko magluto ka ng tanghaloan ah'." utos sakin ni curfiel.
ano? buti na lang marunong din ako magluto.
buti na lang nandito si anne at least may katulong ako, wala na kasi si ate keirsten hindi ko alam kung bakit.
then may nagbell sa gate...
"oh' andito na yata sila eh'" curfiel said then pumunta na siya palabas para buksan yung gate.
Then lumabas na rin kami ni Anne para bumili ng maluluto namin para sa lunch, dumaan kami dun sa isang gate, yung binuksan kasing gate ni curfiel ay para sa sasakyan, nakakotse yung mga kaibigan niya.
Binigyan na rin naman niya ako ng pera.
*after a light year*
bumibili na kami ni anne ng mga ingredients para sa lunch, isda ang main ingredient namin.
pagkabili namin ni anne diretso na rin kaming umuwi, buti na lang hindi siya nagrereklamo.
dire-diretso lang kaming pumasok ng bahay papunta sa kusina- nag-uusap lang naman sina Curfiel at ng 3 kaibigan niya.
"Grabe ate ang gwapo naman nila walang patapon.." biglang nasabi ng kapatid ko.
Tsk. gwapo nga masama naman ang ugali, - kung gaana sila kagwapo ganun din kasama ang budhi nila-
Napagdesisyunan namin ng kapatid ko nalutuin na yung mga pinamili namin dahil 10 am na.
*after several minutes*
Pagkaluto namin ng pagkain pumunta si anne sa isang bakanteng kwarto, gagawin na daw niya yung mga assignments niya, madaming pagkaing laman yung bag niya kaya hindi na daw muna siya kakain..
*11:30 something*
"hoy alipin nagugutom na kami, ipaghanda mo na kami ng makakain!" Curfiel yelled.
"Ihahatid ko na po diyan!" pasigaw na sagot ko.
Then dinala ko na yung pagkain papunta sa dining room.
"Handa na po yung pagkain ninyo." lumapit ako sa kanila at sinabi yun.
"Ano ba yung mga niluto mo? masarap ba yun?" Curfiel asked me.
"Tikman niyo na lang po." I answered.
"Pwede bang ikaw na lang ang tikman ko?" baliw talaga ang curfiel na'to.. nakakainis.
"tara na!" sabi ni curfiel habang nakatingin sa mga kaibigan niya.
pumunta na sila sa dining room.
"ha? ano to? bakit puro isda?" tanong ni curfiel.
"kasi alam ko parati niyong kinakain ay steak at iba-ibang klaseng luto ng karne, kaya isda niluto ko para maiba naman." I answered slowly.
"Alam mo bang hindi namankumakain si Curfiel ng isda?" biglang sabi nung isang lalaki...
"Kawawa naman si curfiel walang pagkain ngayon..." sagot nung isa pang kaibigan niya.
"Tumugil nga kayo Nagel at Zhaic!" pasigaw na sabi ni curfiel.
"dahil sa wala akong makakain ngayon ikaw na lang ang kakainin ko..." sabi ni curfiel at nakatingin siya sakin ng masama, mukhang seryoso nga siya sa gagawin niya.
at biglang siyang bumuhat sa kinauupuan niya.. then tumakbo siya papunta sakin, kaya tumakbo na rin ako papaalis ng dining room.
"Humanda ka sakin pag-naabutan kita!" pagbabanta ni Curfiel.
Ano ba yan para naman siyang bata.. teka ang dapat kung isipin ngayon ay kung paano makakapagtago kay Curfiel para siyang halimaw na gutom na gutom na... binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa makaabot kami sa living room.
Tumakbo ako paikot sa sofa... maaabutan na niya ako.
"Huli ka!" pasigaw na sabi ni Curfiel nung nahuli niya ako.
Bigla niya akong binuhat patalikod at inihiga ako sa sofa.
"Ano ka ba! bitawan mo 'ko cannibal!" I shouted.
Nakahiga ako sa sofa at pinipilit na makatakas sa kanya pero ang lakas-lakas niya, nahahawakan niya ng maigi ang kamay ko.
Inilalapit na ni Curfiel ang mukha niya sa leeg ko,ano ba siya vampire?? He opened his mouth widely na parang kakagatin na talaga ako.
Dahan-dahan niyang ipinuwesto yung ulo niya sa gilid ng leeg ko, nararamdaman ko na ang kanyang mainit na hininga --- at biglang nararamdaman ko na nga yung lamig ng kanyang mga labi.
"Ang bastos-bastos mo talaga!" I shouted to the top of my voice.
Then namalayan kong nabitawan niya yung isang kamay ko kaya bigla ko siyang sinampal.
at sa sampal kong yun napalayo yung mukha niya sa leeg ko.
Kaya tumayo na siya habang hawak-hawak yun part ng mukha niya kung saan ko siya sinampal.
Wala siyang imik na naglalakad papalayo sakin.
"Sorry...kasalanan mo naman eh'" I said habang nakatayo at nakatingin sakanya.
"Hindi na lang ako kakain." malamig na sagot niya.
Ganun ba kalakas yung sampal ko at nagkaganyan siya.
Tapos dumating na rin si Anne pati yung mga kaibigan ni curfiel.
"Kainin mo na lang yung dala kong pagkain." sabi ni anne kay curfiel.
pero walang sagot si curfiel.
si anne naman pumunta na sa kwarto kung saan nakalagay yung bag niya, may dala pa pala siyang pagkain.
"Curfiel sorry na talaga, ikaw kasi eh'." I swiftly said.
"Ano bang ginawa niya sa'yo curfiel." tanong nung Zhaic.
"Sinampal lang naman ako ng sarili kong alipin." sagot ni curfiel.
"Lakas ng sampal ah' humanda ka sakin." he added habang nakatingin ng masama sa mga mata ko.
"Kaya nga nagsosorry na." i answered.
Then lumapit siya sakin at hinawakan ang likod ng ulo ko.
"Kung gusto mong patawarin kiya pa kiss muna." he replied.
Hindi pa ako sumasagot pero inilapit na ni Curfiel ang ulo niya sakin.
"Anong nangyayari dito?" biglang tanong ni Ate Keirsten.
"Ate Keirsten, tulungan mo naman ako..." pagmamakaawa ko.
"Bitawan mo nga si Hershien!" sabi ni Ate Keirsten at inalis yung kamay ni Curfiel na nakahawak sakin.
"Please lang ate ha' alipin ko siya." sagot ni Curfiel.
"Hoy alipin sumama ka sakin sa kwarto!" Curfiel screamed at me.
Heto na naman tayo. tsss..
hinawakan niya yung wrist ko at pumunta sa kwarto niya, wala na akong nagawa he's too strong para makipaghatakan pa ako sa kanya.
-END OF HERSHIEN'S POV-
Chapter 9: Onion Cry
*Curfiel's POV*
Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang 2 pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.
Yung unang taong sumampal sakin ay yung taong nagturo sakin kung paano ang masaktan-- inalis niya sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig- dahil sa kanya wala na akong panahon mag-mahal-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but i'm too afraid to be hurt again-inside... ayoko ng maalala ulit yun- si mongol kasi eh.
*sa kwarto ni Curfiel*
"Sorry na Curfiel.." dahang-dahang sagot ni mongol.
"Ikaw kasi eh' bakit mo ba ako hinalikan?" she suddenly asked.
"Alipin kita! kaya kahit ano pwede ko sa'yong gawin, huwag ka ngang maarte!!" I yelled to her.
Nakayuko lang siya, mukhang natakot ata sa pag-sigaw ko.
Bakit parang nanginginig siya...
"umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya pero wala lang siyang imik.
lumapit ako at tiningnan kung umiiyak ba siya.
at may nakita akong luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata, masyado naman siyang iyakan, napakababaw ng luha.
pero bakit parang naaawa ako sa kanya-- siguro dahil nag-sorry na siya tapos kung ano-ano pa ang pinagsasasabi ko-- Hindi ko napigilan ang sarili ko.
Niyakap ko siya hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko, kusa na lang na gumagalaw ang katawan ko.
Nahahawa na ba ako sa kabaliwan niya? ang sarap ng pakiramdam habang yakap ko siya, awa lang naman ang nararamdaman ko para sakanya.
hindi rin nagtagal bigla niya akong itinulak.
ano bang ginagawa niya siya na nga ang niyayakap ko tapos ganito pa? ang mga babae talaga masyadong maaarte.
"mongol! tumigil ka na sa pag-iyak-- please.." bigla ko na lang nasabi.
why did i say that?, di ba dapat ayos lang sakin na umiyak siya dahil sinampal niya ako, bakit masyado akong nalilito? Kaasar!!! |
